• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obrero arestado sa shabu, gun replica at mga bala sa Valenzuela

KALABOSO ang isang construction worker matapos mabisto ang dalang shabu, gun replica at mga bala makaraang takbuhan ang mga sumitang pulis dahil sa pag-iinuman sa kalye sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Major Randy Llanderal, hepe ng Sub-Station 2 ng Valenzuela police ang naarestong suspek bilang si Osias Patenia, 41 ng Blk 3 Lot 216  Southville 8C San Isidro, Rodriguez Rizal.
Sa report ni PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng anti criminality operation ang mga tauhan ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Major Llanderal, Ground Commander nang ma-chance upon nila ang suspek at mga kasama nito na nag-iinuman sa kahabaan ng Sitio Cabatuan Compound 2, Brgy. Gen T De Leon na malinaw na paglabag sa ipinapatupad na city ordinance ng lungsod.
Nang sitahin at lapitan ng mga pulis para isyuhan ng ordinance violation receipt ay itinulak ng suspek ang parak saka tumakbo para tumakas.
Hinabol siya nina PCpl Kenneth Dinong PCpl Michael Estacion hanggang sa maaresto at nakumpiska sa kanya ang isang army sling bag na naglalaman ng dalawang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nasa P3,400 ang halaga, 20 pirasong bala ng M16, isang bala ng cal. 45, isang magazine ng M16, gun replica at unified ID.
Mahaharap ang suspek sa kasong pagkabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II, RA 9165, RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammnunitions) and Art. 151 of RPC (Resistance and Disobedience to an Agent of Such Person). (Richard Mesa)
Other News
  • TESDA, hinikayat ng DSWD na iprayoridad ang 4Ps senior HS graduates

    HINIKAYAT ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na iprayoridad ang 4Ps senior high graduates para sa skills training opportunities para makatulong na makapagtayo ng mas maliwanag na kinabukasan.     Sa katunayan, nagpulong ang mga opisyal ng DSWD sa pangunguna ni Gatchalian […]

  • Alegasyon ni dating DepEd Usec. Mercado, pinalagan ni VP Sara

    PINALAGAN at sinagot na ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyon sa kanya ni dating DEPED Undersecretary Doctor Gloria Jumamil-Mercado. Sa press briefing sa Office of the Vice President (OVP), mariing itinanggi ni VP Sara ang mga alegasyon ni Mercado at tinukoy ang iba’t ibang bersyon kung bakit pinalayas ito sa DepEd.   Ibinunyag […]

  • Cong. Jaye Lacson-Noel naghain ng COC bilang Mayor ng Malabon

    OPISYAL na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si incumbent Congressman Jaye Lacson-Noel para sa pagtakbo niya bilang alkalde ng Lungsod ng Malabon sa darating na May 2025 election, Lunes ng hapon.     Sinalubong siya ng malakas na hiyawan at sigawan mula sa kanyang daan-daang mga taga-suporta nang dumating sa ground floor ng […]