Obrero kalaboso sa patalim at pagwawala sa Valenzuela
- Published on May 29, 2024
- by @peoplesbalita
BINITBIT sa selda ang isang construction worker matapos magwala at maghasik ng takot habang armado ng patalim sa Valenzuela City, Lunes ng umaga.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 (Alarms and Scandal) at Batas Pambansa bilang No. 6 (Illegal Possesion of Bladed, Pointed or Blunt Weapon) ang naarestong suspek na si alyas Rueleu, 33 ng Tiago St., Brgy. Mapulang Lupa.
Sa ulat nina police investigators PSSg Jeff Bautista at PSSg Raquel Angoluan kay Valenzuela police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-10:50 ng umaga nang maaresto ng RCSP Valenzuela Team 1 ang suspek sa kanto ng Aster at De Castro Sts., Brgy. Mapulang Lupa.
Lumabas sa imbestigasyon na habang sagsasagawa ng police visibility patrol ang mga miyembro ng RCSP sa pangunguna ni PCMS Roberto Santillan sa nasabing lugar nang makita nila ang suspek na may bitbit na patalim habang nagsisigaw at nagwawala na nagdulot ng takot sa mga tao sa lugar.
Kaagad nilapitan ni PCMS Santillan ang suspek at inaresto saka kinumpiska ang hawak niyang patalim na isang folding knife bago dinala sa Station Investigation Unit (SIU) ng Valenzuela CPS. (Richard Mesa)
-
POLO, kitang-kita ang excitement sa mga mata ang pagiging isang ama kay Baby YATRICK PAUL
KAHIT puyat, makikita pa rin ang excitement sa mga mata ni Polo Ravales ang pagiging isang ama sa kanyang baby boy na si Yatrick Paul Quiza Gruenberg. Nag-share sa social media si Polo ng first family photo nila ng kanyang fiancee na si Paulyn at ng kanilang baby boy na isinilang noong nakaraang […]
-
Crackdown sa ‘anti-colorum campaign’, tagumpay – DOTr
INANUNSYO ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) na matagumpay ang isinagawa nilang crackdown laban sa mga illegal na sasakyan alinsunod sa kanilang anti-colorum campaign. Ayon sa DOTr, sa loob lamang ng isang linggo, o mula sa Disyembre 1 hanggang Disyembre 9, 2023, nakaaresto ang SAICT […]
-
Pacquiao at Mayweather muling maghaharap pero sa basketball game
Kinumpirma ng kampo nina US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr at Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang muli nilang paghahaharap. Ito ay hindi na sa boxing ring at sa halip ay sa basketball court. Itinakda kasi sa Enero 2022 ang basketball charity event na gaganapin dito sa Pilipinas. […]