• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OBRERO SUGATAN SA PULIS

SUGATAN ang isang 27-anyos na construction worker matapos makipagbarilan sa pulis na sumita sa kanya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ang suspek na si Kenneth Bryan Gelito ng 2938 A. Bonifacio St. Pag-asa, Brgy. 175.

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, naganap ang insidente alas-9:20 ng gabi sa kahabaan ng T. Alonzo St. habang ang mga operatiba ng Intelligence Section ay nagsasagawa ng covert operation sa lugar kung saan laganap umano ang operasyon ng video karera.

 

Napansin ng isa sa mga operatiba na si Pat. Raymundo Sulit, Jr. si Gelito na kahina-hinala kaya’t sinita niya ito subalit, nagalit ang suspek at nagbanta sa pulis na hintayin siya at agad siyang babalik.

 

Makalipas ang ilang minuto, dumating si Gelito na armado ng “sumpak” at pinaputukan si Pat. Sulit subalit, hindi tumama na naging dahilan upang gumanti ng putok ang pulis at tinamaan sa kanang paa at hinlalato ang suspek.

 

Gayunman, nagawang makatakas ng suspek at naiwan ang kanyang baril sa lugar subalit, sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay agad naman siyang nasakote. (Richard Mesa)

Other News
  • Mamamayan, hinimok ng CBCP-ECHC na magpa-booster laban sa COVID 19

    HINIKAYAT ng opisyal ng CBCP Episcopal Commission on Health Care ang publiko na suportahan ang inisyatibo para sa muling pagpapaturok ng Covid19 vaccine.     Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Dan Cancino MI,  Executive Secretary ng komisyon kaugnay sa panawagan ng Department of Health na magpa-2nd dose na ang mamamayang Filipino lalo na ang […]

  • Pinas, sumali sa ‘global call’ kontra marine plastic waste

    SUMALI ang gobyerno ng Pilipinas sa agarang panawagan na tugunan ang malawakang plastic waste sa buong mundo na patuloy  na nagdudumi sa karagatan.     “For many Filipinos, the sea is livelihood and life for all Filipinos as a nation it is our definition as such. We are a people of water, we’re a maritime […]

  • 4 na bakuna na maaaring gamitin bilang 3rd dose o booster shot, aprubado na ng FDA

    APRUBADO na ng Food and Drug Administration (FDA) ang EUA amendment ng 4 na bakuna na maaaring gamitin bilang 3rd dose o booster shot.   Sinabi ni FDA Director General Usec. Eric Domingo may “basbas” na para gamitin bilang 3rd dose o booster shot ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik V.   Kasama sa mga […]