• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OBRERONG DINAKIP SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN, WANTED

NATUKLASAN may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition sa probinsya ng Pampanga ang isang 24-anyos na construction worker na inaresto dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner sa Malabon city.

 

 

Si Robel Busa ng 4th St. Brgy. Tañong ay nadakip dakong 8 ng gabi matapos humingi ng tulong sa pulisya ang kanyang live-in partner nang bugbugin umano siya nito makaraan ang kanilang pagtatalo.

 

 

Tinurn-over ang suspek ng mga umarestong pulis sa Women and Children Protection Desk (WCPD) subalit, bago iprisinta sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A 9262 o Violence Against Women and their Children’s Act ay inaalam ang kanyang personal records para sa verification.

 

 

Nadiskubre kalaunan ng pulisya na may kasong robbery at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at may nakabinbin na warrant of arrest na inisyu ni Judge Mary Jane Dacara Buenaventura of Regional Trial Court (RTC) Branch 143 Third Judicial Region ng San Fernando Pampanga si Busa.

 

 

Walang naipakita ang suspek na released order o kahit anong dokumento para sa kanyang kaso na naging dahilan upang ipasok ito sa custodial facility ng Malabon police. (Richard Mesa)

Other News
  • Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers

    DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon.       Ngayong taon, sunud-sunod na […]

  • Susan, ni-reveal na na-confine last year dahil sa pneumonia; traumatic ang experience kahit COVID-19 negative

    NI–REVEAL ng Unang Hirit host at broadcast journalist na si Susan Enriquez na na-confine siya sa ospital noong May 2020 dahil sa pneumonia.   Three days daw siyang na-confine sa COVID-19 ward dahil pinagsuspetsahang nahawaam siya ng naturang virus. Naging traumatic daw ang experience niyang iyon dahil sa ospital siya nag-birthday at wala siyang kasama. […]

  • Gobyerno, muling ininspeksyon ang Malampaya gas-to-water project

    ININSPEKSYON ng mga opisyal ng gobyerno ang Malampaya deep water gas-to-power project sa offshore Palawan upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga operasyon sa gitna ng inaasahang kakulangan ng suplay ng kuryente.     Sinabi ni Enrique Razon na pinangunahan ng Prime Infrastructure Capital Inc. (Prime Infra) na ang mga opisyal mula sa Department of Energy […]