• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obvious na may relasyon sa totoong buhay: VINCE at CHESKA, inaming na-starstruck kina DENNIS at BEA

FEELING blessed ang Sparkle artists na sina Vince Maristela at Cheska Fausto dahil kasama sila sa cast ng ‘Love Before Sunrise’ ng GMA at Viu Philippines.

 

 

Sa naganap na yellow carpet event ng naturang teleserye sa SM Megamall Cinema 2, inamin ng dalawang SPARKADA members na sobra silang na-starstruck sa mga bida na sina Dennis Trillo at Bea Alonzo.

 

 

Kuwento ni Cheska at Vince na halos lahat ng eksena nila ay kasama ang dalawang big stars. Pareho raw silang kinakabahan pero very supportive daw sina Dennis at Bea at pinapanood daw nila ang mga eksena nila kahit di sila kasama.

 

 

Obviously na may relasyon sa totoong buhay sina Vince at Cheska. Kita iyon sa mga social media accounts nila.

 

 

Gusto namin sana tanungin si Vince kung ano ang nangyari sa kanila ni Roxie Smith na unang nakarelasyon niya bago si Cheska?

 

 

Si Roxie ang naging date niya last year sa GMA Gala at sa Halloween event ng Sparkle. Pero after a year, si Cheska na ang naka-date niya sa GMA Gala at laman ng kanyang socmed. Nawala na mga photos nila ni Roxie.

 

 

Sa isang interview ni Cheska, naging close daw sila ni Vince nung magkasama sila sa teleserye na ‘Luv Is: Caught In His Arms’. Malamang na nawalan ng time si Roxie kay Vince nung gawin nito ang teleserye na ‘Hearts On Ice’.

 

 

Sa Instagram ni Roxie, puro solo photos lang at panay ang pagbiyahe niya. Mukhang wala pa siyang bagong boyfriend after ni Vince.

 

 

***

 

 

NI-LAUNCH ni JC Regino ang bagong single niya titled “Tama Na Sa ’Kin Ikaw” under GMA Music. Ang nasabing love song ay tribute sa timeless hits ng April Boys.

 

 

Nakipag-collab si JC sa kanyang mga uncle na sina Vingo and Jimmy Regino.

 

 

“Ang song po na ‘Tama Na Sa ’Kin Ikaw, ibig sabihin you’re enough for me, ikaw lang sapat na. Pinapakita po doon ang pagmamahal ng isa tao na kahit kalian hindi niya ito ipagpapalit at hindi niya sasaktan ang taong mahal niya.”

 

 

Thankful si JC sa GMA Music dahil sa suporta sa collab na ito.

 

 

“Ako po ay sobrang nagpapasalamat sa GMA Music dahil napakaluwag po nilang katrabaho. Maalaga po sila and napakagaan po ng samahan namin at parang pamilya po talaga ang turing nila. Naramdaman ko po na hindi lang ako basta talent at puwede akong magbigay ng opinion or contribution sa bawat gagawin naming. Kaya nagpapasalamat po ako sa GMA Music family sa pagmamahal na binibigay nila.”

 

 

“Tama Na Sa ’Kin Ikaw,” under GMA Music, now available on digital platforms worldwide.

 

 

***

 

 

PAGKATAPOS magkaroon ng baby si Al Pacino sa kanyang girlfriend na si Noor Alfallah, naghiwalay na sila at nag-file si Noor ng physical custody para sa anak nilang si Roman.

 

 

Ayon sa isang source, hindi na raw madalas makita ng 83-year old veteran Hollywood actor na kasama ang 29-year old girlfriend.

 

 

Hindi pa rin daw nakikita ng ibang anak ni Pacino ang bago nilang kapatid.

 

 

Sa na-file na legal documents, ni-reveal ni Alfallah na bukod sa physical custody of the baby, hiling din niya ay “reasonable visitation” mula kay Pacino. She also wants to share legal custody with the two-time Oscar winner.

 

 

Kasama rin sa ang “voluntary declaration of parentage,” na pipirmahan ni Pacino at ng isang witness na si Pacino ang biological father.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • KC, masayang-masaya na personal nang makita ang amang si Gabby

    SIMULA pala nang matuto nang magdirek si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, naging dream na niyang maigawa at maidirek ang kanyang mommy, si Angelina Gonzalez Dantes sa isang commercial na kasama siya.   Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Dingdong na three years old pa lamang siya ay sinasamahan na siya ng kanyang Mamata sa […]

  • DOTr lumagda sa kontrata para sa pagbili ng 304 railway train cars ng NSCR project

    LUMAGDA  sa isang kontrata ang Department of Transportation (DOTr) upang bumili ng 304 railway train cars na gagamitin sa North-South Commuter Railway (NSCR) project.     Ayon sa DOTr, ang NSCR project ay malayo na ang narating para sa development nito dahil nauna ng kumuha ang ahensya ng eight-car Electric Multiple Unit na gagamitin naman […]

  • Ads May 15, 2024