• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OCD, muling pupulungin ang National El Niño Team sa gitna ng banta ng matinding tag-tuyot, kakulangan o kawalan ng ulan

MULING pupulungin ng Office of Civil Defense (OCD) ang National El Niño Team sa layuning mas pag-isahin at itugma ang implementasyon ng pagsisikap na maghanda at tugunan ang matinding epekto ng tag-tuyot at kakulangan o kawalan  ng ulan sa bansa.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng OCD na nakatakda ang pagpupulong sa Hulyo 19 kung saan pag-uuusapan ang nagpapatuloy na aktibidad ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa El Niño.

 

 

“Also, priority among the discussion points is the presentation of the short, medium and long term plans of various team clusters to address the effects of El Niño on food security, water security, energy security, health, public safety and cross cutting issues,” ang nakasaad sa kalatas.

 

 

Sinabi naman ni OCD administrator at executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Undersecretary Ariel F. Nepomuceno, na nais na niyang isapinal ang National Action Plan for El Niño lalo pa’t  idineklara noong Hulyo  4 na nagsimula na ang El Niño phenomenon.

 

 

Sa kabilang dako, pangungunahan naman ni Nepomuceno ang nasabing miting kung saan ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) ay magbibigay din ng kanilang  updated forecast ng  climate phenomenon at estado ng iba’t ibang dam sa bansa.

 

 

“We are looking forward to the finalization of the National Action Plan for El Niño by this team as we continue to undertake various activities specific to our agency mandates to ensure that the effects of El Niño-induced dry spells and drought to the country can be countered,” ayon kay Nepomuceno.

 

 

“Pagasa forecasts the possible strengthening of El Niño towards ‘moderate” to “severe” degree by the latter part of 2023,” ayon sa ulat.

 

 

Samantala, regular naman na nagpupulong ang  National El Nino Team para sa updates  na ginagawang hakbang ng ahensiya kasunod ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa isang “science-based, whole-of-nation strategy” para ihanda ang bansa para sa matinding epekto ng climate phenomenon. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, muling ipinagtanggol si Sec. Duque sa mga kritiko nito

    MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa mga kritiko nito sabay sabing wala siyang nakikitang mali sa Kalihim.   Kaya nga, nananatili ang kumpiyansa ng Pangulo kay Sec. Duque.   Giit ng Pangulo, hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang inaaway si Sec. Duque at palabasing ito […]

  • DIEGO, aminadong na-intimidate nang malamang makakatrabaho si CRISTINE kaya takot na takot magkamali

    AMINADO si Diego Loyzaga na he was intimidated upon learning na he will be working with Cristine Reyes sa Philippine adaptation ng K-drama na Encounter.     “Sobrang intimidated ako kay Cristine until nagkasama kami sa pictorial for the movie where I sensed na mukhang okay naman siya. Parang magkakasundo naman kami,” pahayag ng anak […]

  • No garage, no car’ sa Metro Manila, 9 probinsya, isinulong

    ISINUSULONG  ni Senate Majority Leader Joel ­Villanueva ang pag-obliga sa mga may-ari ng sasakyan na magpakita ng pruweba na mayroon silang garahe bago sila makapagparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).     Ayon kay Villanueva, ito ay para matigil ang pag-park ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada na nagdudulot ng matinding pagsisikip […]