• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Official color ay fire orange na fave niya: JULIE ANNE, in-announce na ang bagong fandom name na ‘JAmantes’

IN-ANNOUNCE ni Julie Anne San Jose via social media ang bagong name at official color nito.

 

 

 

 

Sa Instagram Reel ni Kapuso Limitless Star, marami raw siyang pinagpilian na fandom names tulad ng Adiks, Kahel, JUWels, and Symphonies. Pero ang napili niya ay JAmantes. At ang kanilang official color ay fire orange.

 

 

 

“I personally chose this fandom name too, because diamonds are known to be precious and valuable gemstones, like how you guys are precious to me too. Sakto kasi favorite ko ‘yung orange. And fire, nagliliyab, naglalagablab parang magmamahal ko sa inyo.

 

 

“I hope you love the name as much as I do. Thank you so much for all your support, and I hope you continue to support my upcoming projects. And I’m so excited, very excited, on this new journey with all of you. I love you guys.” sey ni Julie na katatapos lang na magpasaya sa mgq Global Pinoys in California via Sparkle World Tour kasama sina Rayver Cruz, Alden Richards, Isko Moreno, Ai-Ai delas Alas, and Boobay.

 

 

***

 

 

NAPABILANG ang Fil-American Grammy at Oscar winner na si H.E.R. sa naging closing ceremony ng Paris 2024 Olympics sa Stade de France and aired live on Peacock and NBC.

 

 

Hosted by Jimmy Fallon and Mike Tirico, nakasama ni H.E.R. na mag-perform sina Billie Eilish, Snoop Dogg and the Red Hot Chili Peppers.

 

 

Nakunan na rin ang closing stunt ni Tom Cruise para sa handoff to Los Angeles for the 2028 Olympics.

 

 

Last May, nakunan ang pag-skydive ni Cruise sa Hollywood sign at sumakay ito ng motorcycle bitbit ang Olympics flag.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Paglaban sa Duterte 2022 pres’l candidate, magiging pahirapan – oposisyon

    Inamin ng panig ng oposisyon partikular ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap na kalaban sa 2022 national elections ang ieendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ito ay sa kabila umano ng tinatanggap na kritisismo ng Duterte administration sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.     Sinabi ni Office […]

  • 50-ANYOS NA MISTER KINADYOT SA LEEG

    SUGATAN ang 50-anyos na lalaki ang matapos tarakan sa leeg ng hindi kilalang suspek nang tumanggi ang biktima sa alok ng isang babae na makipagtalik sa kanya sa Malabon City.     Nasa stable na kondisyon habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong saksak sa leeg ang biktimang si alyas “Wilson”, ng […]

  • Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title

    Napasa­kamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games.     Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin […]