OFW, hinampas ng alon, nalunod, patay
- Published on February 24, 2025
- by Peoples Balita
NABAHIRAN ng lungkot ang masayang outing ng mga magkakaibigan nang nalunod ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa isang resort sa Calatagan, Batangas Linggo ng hapon.
Isinugod pa sa Calatagan Medicare Hospital ang biktimang si Diosdado Plonera Catanay, 43 binata ng Brgy Pantalan, Nasugbu Batangas subait idineklarang dead on arrival.
Sa ulat, nagkayayaan ang mga magkakaibigan kabilang ang biktima na magtungo sa PASSY Beach Resort na matatagpuan sa Brgy Bagong Silang, Calatagan, Batangas.
Habang naliligo sa mababaw na tubig sa harapan ng resort nang tangayin sila nang malakas na alon at dalhin sa malalim na bahagi ng dagat na nagresulta sa pagkakalunod ng biktima bandang alas-2:30 kamakalawa ng hapon.
Humingi ng saklolo sa lifeguard ng resort kung saan naiahon ang biktima at agad na dinala sas ospital subalit wala ng buhay bago pa man idating. (Gene Adsuara)
-
PBBM, pinarangalan ang mga sundalo sa naging pagbisita sa SOLCOM camp
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay parangal sa mga sundalo mula sa Southern Luzon Command (SOLCOM) para sa kanilang mga accomplishments o mga nagawa sa anti-insurgency campaign at disaster response. “First of all, I would like to congratulate the awardees. We have just given the gold crosses, silver crosses, […]
-
Vietnam humiling ng karagdagang araw para sa pinal na desisyon kung matutuloy ang SEA Games
Humiling pa ng ilang araw ang Vietnam para pagdesisyunan ang kapalaran ng Southeast Asian Games kung ito ba ay matutuloy o kakanselahin. Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na humirit ng 14 na araw ang Vietnam bago nila pagdesisyunan kung matutuloy ba o iaantala ang torneyo. Sa […]
-
ARA, nadismaya na sa panahon ng pandemya ay may mga taong nais manloko
GRABE na talaga ang panahon ngayon, gagawin talaga ang lahat para lang makapanglamang o makapangloko ng kapwa. Sa post ni Ara Mina sa kanyang IG account last week, muntik na ngang mabiktima ang mga staff sa negosyo niyang Hazelberry Cafe na kung saan may isang poser na nag-message sa apat na branches nila […]