‘Oil price hike, posible pang pumalo sa P12 ang dagdag sa kada litro next week’
- Published on March 10, 2022
- by @peoplesbalita
POSIBLE pang makaranas ng mas matinding taas presyo sa produktong petrolyo sa bagong round nito sa darating na linggo.
Ito ay matapos ang pag-arangkada ng kasalukuyang pinakamataas na dagdag-presyo sa langis ngayong linggo.
Batay kasi sa datos na nakalap ng mga kinuukulan, posible pang tumaas sa P12.72 ang kada litro ng diesel, habang tinataya namang aabot sa P8.28 ang itataas ng kada litro ng gasolina.
Ngunit ang naturang price adjustment ay depende pa rin sa magiging trading results sa susunod na apat na araw.
Ngayong linggo ipinatupad ang ika-sampung sunud-sunod na pagkakataong ikinisa ang big time oil price hike sa mga produktong petrolyo sa bansa.
-
Commissioner Garcia ‘nagmamaka-awa’ sa NBI na ilabas na finding sa ‘data breach’ sa Smartmatic
NANAWAGAN sa National Bureau of Investigation (NBI) si Comelec Commissioner George Garcia na ilabas na ang resulta ng kanilang imbestigasyon hinggil sa umano’y security breach sa automated election system ng Smartmatic. Ayon kay Garcia, hanggang sa ngayon ay hindi pa natatanggap ng Comelec ang report sa imbestigasyon ng NBI kaya hindi rin nila […]
-
4th EDDYS, mapapanood worldwide sa FDCP channel at sa iba’t-ibang platforms
MULING nagsanib-pwersa ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa ikaapat na edisyon ng EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) na magaganap sa Marso 22. Sa ikatlong pagkakataon, buo pa rin ang suporta at tiwala ng FDCP sa SPEEd, pati na rin sa EDDYS, ng […]
-
Davao City, isasailalim sa MECQ simula Hunyo 5
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Hunyo 3, 2021, na isailalim ang Davao City sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 20, 2021. Bukod dito, inaprubahan din ng IATF ang General Community Quarantine status ng General Santos City simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 30, 2021. […]