OIL SPILL, PINAGHAHANDAAN NA NG PCG
- Published on May 3, 2023
- by @peoplesbalita
PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa contingency measures matapos makakita ang Coast Guard Sub-Station Tubbataha ng oil sheen malapit sa baybayin kung saan lumubog ang dive yacht noong Linggo ng umaga, Abril 30.
Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na patuloy ang monitoring sa sitwasyon sa lugar kung saan lumubog ang M/Y Dream Keeper upang agad na matugunan.
Aniya nasa lugar na ang oil spill response team at nagsimula nang maghanda sakaling magkaroon ng pagtagas ng langis upang agad itong mapigilan.
Angpil sheen ay naisapatab umano apat na milyaula sa Tubbataha Reefs na kilala sa malinis na coral reef na may perpendicular wall, malawak na lagoon at dalawang coral islands.
April 27 nang umalis ang yate sa San Remigio ,Cebu City at dumating sa Tubbataha Reef alas 10 ng gabi noong April 29.
Sakay nito ang 32 katao , at 28 sa mga ito ang narescue habang apat pang iba pa ang nanatiling missing at pinaghahanap.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Balilo na tinitignan dahilan ng paglubog ng yate ang na-encounter nito na tinatawag na localized thunderstorm .
Sa ngayon may mga divers mula sa 10 yate ang tumutulong sa search and rescue .
Samantala, sinabi ni Balilo na itinigil na nila ang search and rescue sa dalawang nawawalang crew ng isang dredger at isang oil tanker na nagbanggaan sa karagatan ng Corregidor Island.
Hindi bababa sa tatlong tao ang kumpirmadong namatay sa nangyaring Maritime incident .
Itinigil na aniya ang search and rescue matapos na hindi mahanap ng kanilang mga diver ang dalawang nawawalang crew sa kabila ng masinsinang paghahanap. GENE ADSUARA
-
Mga miyembro ng Kamara tuloy sa trabaho kahit naka-recess
NGAYONG Biyernes ay pumunta sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Patrol Party-list Rep. Jorge Bustos, at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa Cavite upang saksihan ang ginawang pagsunog sa may P6 bilyong halaga ng iligal na droga […]
-
POGO worker, minaltrato, kinidnap at idinitene
MAY sampung araw nang nakadetine sa loob ng isang bahay ang isang POGO worker na kinidnap matapos na hindi makapagbayad ng P240,000 nang magpaalam na magre-resign sa pinagtatrabahuhan online gambling at uuwi na sa China sa Las Pinas. Nabatid kay NBI OIC Director Eric Distor , inabutan ng mga ahente ng NBI, ang biktima […]
-
Looking forward siya sa kumpletong tulog: AICELLE, nag-a-adjust pa sa pag-multi-task sa dalawang anak
PINOST na ni Kapuso singer Aicelle Santos via Instagram ang bagong miyembro ng kanilang pamilya. Girl ulit ang second baby ni Aicelle na sinilang niya bago sumapit ang Pasko. Walang binigay na mga detalye si Aicelle kung kelan at saan niya sinilang ang second baby nila ni Mark Zambrano. […]