• May 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Okay na sila at naka-move on na: MIKAEL, umiwas magsalita sa naging issue ni MEGAN sa Miss World 2024 pageant

NAG-RENEW ng kanyang exclusive contract with GMA si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose last March 12.

 

 

Labis ang pasasalamat ni Julie sa GMA dahil sa magandang career na binigay sa kanya simula pa nung naging contestant siya sa Popstar Kids noong 2005.

 

 

“GMA Network, thank you so much for believing in me, my talents, and my capabilities. I also want to thank Sparkle, thank you so much po. Sa GMA Entertainment Group, thank you for allowing me to grow and to all the people I’ve worked with, GMA Synergy even GMA News, and sa GMA Pictures din po.

 

 

“Kaya nga tinawag na Kapuso kasi dito, mafe-feel mo yung love ng mga tao na nakasuporta sayo, at tumutulong sayo na mag-improve sa craft mo. Dito ko nakita at naramdaman yun, with GMA. That’s why I’m forever proud to be a Kapuso,” sey ni Julie.

 

 

Sa April ay lilipad for Canada ang JulieVer para sa show na Sparkle Goes To Canada on April 5 sa Calgary at April 7 sa Toronto. Both shows are directed by Johnny “Mr. M” Manahan.

 

 

Makakasama nila sa dalawang shows ang Sparkle couple na sina Bianca Umali and Ruru Madrid at Sparkle loveteam na BarDa nila Barbie Forteza and David Licauco. At ka-join din si Boobay.

 

 

***

 

 

UMIWAS na magsalita si Mikael Daez tungkol sa naging issue ng kanyang misis na si Miss World 2013 Megan Young sa nakaraang Miss World 2024 pageant.

 

 

Umani kasi ng batikos si Megan pagkatapos nitong ayusin ang buhok ni Miss Botswana onstage at siya ang sinisi ng mga Botswanians kung bakit ito natalo dahil minalas ang kanilang kandidata sa ginawa ni Megan.

 

 

Nag-issue naman agad ng public apology si Megan dahil hindi niya alam na mali ang ginawa niya.

 

 

Sagot lang ni Mikael: “We’re good. Tapos na ‘yun. We moved on and enjoy life.”

 

 

Mas pinag-usapan ni Mikael sa ‘Best Time Ever’ mediacon ay ang upcoming second season ng ‘Running Man Philippines’ kunsaan ang bagong runner nila ay si Miguel Tanfelix.

 

 

“In fairness kay Miguel, sobrang nag-enjoy kami. Talagang walang problema with him jumping in kaya nakakatuwa. Mararamdaman niyo ‘yun.

 

 

“Ngayon kasi, close na talaga kami at talagang ‘yung friendship namin talagang nag-solidify. Iba kasi ‘yung nagiging jokes, comedy, at mga sitwasyon na lumalabas ‘pag talagang komportable talaga sa isa’t-isa,” sey ni Mikael na nangatog ng husto sa sobrang lamig sa South Korea.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • DOH nagbabala vs study na may ‘immunity’ sa COVID-19 ang dengue infection

    PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko matapos lumabas ang ulat ukol sa posibleng immunity o proteksyon mula sa COVID- 19 ang pagkakaroon ng impeksyon sa dengue.   “These studies that they issue, itong mga articles, they would have disclaimers na hindi pa ‘to peer reviewed, hindi pa ‘to dumadaan sa rigorous process of […]

  • Death toll sa PH dahil sa deadly virus lampas na 26,000

    Mahigit pa rin sa 5,000 ang panibago na namang naitalang bagong nadagdag na dinapuan ng virus sa Pilipinas.     Sa report ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 5,204 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.     Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa nakalipas na Linggo.     Dahil dito […]

  • Tulad ng pagsasama nina Anne at Erwann: JASMINE, going strong ang relasyon sa boyfriend na si JEFF

    NANG nakausap namin si Jasmine Curtis-Smith kamakailan, sinabi namin sa kanya na mukhang sila ng ate niya ang sisira sa “sumpa” ng hiwalayan dahil tulad nina Jasmine at boyfriend niyang si Jeff Ortega ay going strong rin ang pagsasama ng mag-asawang Anne Curtis at Erwann Heussaff.     “Yes, amen, stop the cycle,” ang tumatawang […]