Olympic at SEAG-bound delegates babakunahan na sa Biyernes
- Published on May 27, 2021
- by @peoplesbalita
Sa Biyernes sisimulan ang pagtuturok ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at sa Southeast Asian Games.
Gagawin ang bakunahan sa Manila Prince Hotel sa San Marcelino St. sa Maynila, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
“Ang good news po ngayon ay inaprubahan na rin ang ating vaccination day on Friday, exclusive for Olympic-bound delegates and SEA Games-bound delegates,” sabi ni Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online session.
to ay sasaksihan nina Chief Implementer of the National Task Force against COVID-19 Secretary Carlito Galvez, Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at COVID-19 testing czar Secretary Vince Dizon.
Ang bibigyan ng COVID-19 vaccines ay ang mga national athletes, coaches, officials at delegation members na lalahok sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan at sa SEA Games sa Hanoi, Vietnam.
Nakatakda ang Tokyo Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 habang idaraos ang Vietnam SEA Games sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.
-
DOLE NAGHAHANAP NG PONDO SA 2 LINGGONG QUARANTINE
NAGHAHANAP na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pondo upang matulungan ang mga manggagawang apektado ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila. Sinabi ni Labor Usec. Benjo Santos Bemavidez sa Laging Handa briefing na hindi pa natutukoy ng ahensya kung gagamitin nito ang available na badyet o humingi […]
-
Umabot sa higit 300K sa loob nang dalawang taon: ALMA, ‘di napigilang i-post ang photo ng kasambahay na nagnakaw
HINDI napigilan si Alma Concepcion na i-post sa kanyang Facebook account ang photo ng kanilang kasambahay na nagnakaw sa kanila. Ayon sa former beauty queen, napaamin niya ang kasambahay sa ginawa nito sa kanyang pamilya. Sa ginawang pag-iimbestiga ni Alma, dalawang taon na raw silang pinagnanakawan ng kanilang kasambahay. Umabot daw […]
-
Upakang Ancajas-Rodriguez, kasado na
WALA nang atrasan, tuloy ang laban. Matapos magkaaberya ng dalawang beses ay atat nang sumuntok uli si Filipino world champion Jerwin Ancajas nang maplantsa na at muling ikasa ang bout nila ni Mexican fighter Jonathan Javier Rodriguez na gaganapin sa Las Vegas sa Abril 11. Sa ngayon ay dibdiban ang pagpapalakas ng 28-anyos […]