• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, nagpahiwatig ng posibilidad na pagreretiro pagkatapos ng 2024 Olympics

NAGPAHIWATIG  ngayon ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz-Naranjo ng posible nitong pagreretiro na sa weightlifting pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.

 

 

Sa kanyang Facebook post, ipinost ni Diaz ang larawan ng kanyang mga kamay kalakip ang isang sulat sa kanyang sport.

 

 

Aniya, naghahanda araw raw ito para sa nalalapit na Olympics na isasagawa sa France.

 

 

Mayroon din siyang inilagay na hashtag “#LastLift,” o ang posibilidad na ito na ang huli niyang laban para sa bansa.

 

 

“We are officially 2 years to go before I step onto the platform at the #2024parisolympics . I am manifesting this because this is what I want to do. It is my choice to go for my #LastLift and #TeamHD will be with me throughout the whole process. I am claiming this, for the love of God and our Country,” ani Diaz.

 

 

Kung maalala, matapos ang kasal nila ng kanyang coach na si Julius Naranjo ay sinabi nitong ipinagpaliban muna nila ang kanilang honeymoon para paghandaan ang Olympics.

Other News
  • DOH, nagsimula nang mamahagi ng bivalent Covid-19 vaccines

    NAGSIMULA na ang Department of Health (DOH) na mamahagi ng 390,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng bansa.     “So, dumating na iyong 390,000 doses of bivalent Covid-19 vaccines which came from COVAX. So, it’s a donation, hindi ito prinocure, and as of this moment, as we speak, I think […]

  • Metro Manila, 7 pang lugar COVID-19 hotspots

    NANANATILING hotspot sa COVID-19 ang Metro Manila sa loob ng nakalipas na dalawang linggo maging ang mga lalawigan ng Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Negros Occidental at Iloilo.   Ito ang resulta ng pagsusuri ng UP-OCTA Research Team base sa mga datos na naitatala ng Department of Health (DOH) sa mga bagong kaso kada araw. […]

  • Diaz, Ando nakahanda na

    MAY dalawang bet ang Pilipinas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 women’s weightlifting sa Tokyo, Japan na inatrasado ng Coronavirus Disease 2019 na papailanlang na ngayong Biyernes, Hulyo 23 at aabutin ng hanggang Linggo, Agosto 8.     Sila ay sina Hidilyn Diaz, 30 taon, 4-11 ang taas, ng Zamboanga City sa 55-kilogram class,  at […]