• June 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Olympic meeting kanselado, preparasyon naantala vs COVID-19

KINANSELA ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak.

 

Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula April 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausanne, Switzerland.

 

Magpapalitan kasi ng mga idea ang iba’t ibang sports governing bodies, tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics.

 

Samantala, naantala rin ng dalawang buwan ang training ng mga volunteers para sa Tokyo Olympics dahil sa banta ng COVID-19.

 

Nangangailangan ng 80,000 na volunteer ang nasabing palaro upang masiguro nitong maganda ang magiging takbo nito.

 

Ang pagpapaliban ng mga trainings aniya ang isa sa mga aksyon ng Tokyo organizers upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

 

Ayon sa mga organizers, tinatayang 200,000 indibidwal ang nag-apply bilang volunteer, nasa 30% nito ay nagmula sa labas ng bansa.

 

Sa kabila ng banta ng naturang virus, giniit pa rin ng International Olympic Committee, local organizers at ng World Health Organization na hindi kinakailangang i-suspinde ang mga palaro sa kasalukuyan.

 

Hindi naman inisasantabi ng mga organizers ang posibleng mga pagbabago sa palaro sa kabila nito.

 

“In accordance with the government’s policy for preventing the spread of infectious diseases, we will also evaluate the immediate need for each games-related event on a case by case basis,” pahayag ng organizers nito.

 

Magugunitang tiniyak ng Tokyo Olympics organizers, International Olympic Committee at World Health Organization (WHO) na hindi na kailangan pa ang pagpaliban ng Olympics na gaganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

 

Kasalukuyan pa ring nakadaong sa Tokyo Bay ang quarantined cruise ship na mayroong 700 kaso at 3 namatay ayon sa tala nito dahil sa virus.

Other News
  • Para manahimik ang mga Marites na ayaw siyang tantanan… AJ, dapat nang magpakita ng proof na ‘di siya nabuntis ni ALJUR

    AYAW na ba ni KC Concepcion sa showbiz? Mas gusto na lang ba niya ang gigs niya abroad?   Hindi kasi napapanood si KC sa anumang local show kaya nagtatanong ang kanyang mga followers bakit di active ang dalaga sa local showbiz.   Isa pang tanong nila ay kung pinababayaan ba ni KC ang kanyang […]

  • DOTBOT INILUNSAD SA VALENZUELA

    INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang online DotBot, isang innovation project na isinilang mula sa cooperative partnership ng Pilipinas at New Zealand sa ilalim ng GovTech Acceleration Program ng Creative HQ, New Zealand.     Ang DotBot na ipinakita sa Philippines – New Zealand Government Innovation Exchange Showcase […]

  • Dapat may tamang dahilan at ‘di basta nireregalo: HEART, against sa pagpapa-ampon at pagbibigay ng pet

    KAHIT kagagaling lamang sa sakit ay lumagare na sa trabaho si Lotlot de Leon.     Nag-negatibo naman siya sa swab test para sa COVID-19 pero matinding ubo at sipon ang dumale sa mahusay na aktres ilang araw bago mag-Pasko.     Mabuti na lamang at isang araw bago ang taping niya para sa ‘Makiling’ […]