• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P17.4 million kontribusyon ng OFWs ibinulsa

Aabot sa P17.4 milyong halaga ng PhilHealth premiums o kontribusyon na kinolekta sa mga overseas Filipino workers ang ibinulsa umano ng “sindikato” sa Philippine Health Insurance Corporation.

 

Ayon kay Ken Sarmiento, dating Senior Auditing Specialist ng PhilHealth, na noong nakatalaga pa siya sa Operations Office ng PhilHealth sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay nabuking niya na aabot sa P17,416,800 milyong premiums ang kuwestiyonable.

 

Aniya, ang mga resibong ibinigay sa mga nagbayad na OFWs ay peke kung saan ang mga ginamit na serial number sa mga resibo ay nagamit na sa mga lehitimong transaksyon.

 

Ang unang pekeng resibo ay naiulat noong Setyembre 2015 sa OFW na si Rey Calongcong kung saan hindi nairemit ang P2,400 na binayaran ni-tong premiums na dapat ay inisyu sa IEXCEL Manpower Corporation. Nasa 168 pang resibo ng nasabing manpower corporation ang lumitaw na pineke rin.

 

Samantala noong Setyembre 2018 ay inireport din ng ahensya ang 224 pang mga pinekeng resibo bukod pa sa hinihinalang 868 kaso ng mga peke rin na puro zerox copy at hindi orihinal.

 

“We learned that 7,257 OFWs hindi napaghulugan ng premiums… Hindi po natanggap ng PhilHealth ‘yung premiums nila,” sabi ni Sarmiento.

 

“Mayroon po talagang sindikato,” dagdag niya.

 

“Mayroon pong nagre-recruit sa kanila para i-distribute ‘yung fake receipts sa OFWs at ‘yung hatian, out of the P2,400, P900 ‘yung mapupunta sa marketer na gumagawa ng fake receipts. ‘Yung liaison officer, they receive P1,500. We know who they are and we know more or less ‘yung structure nila,” sabi pa niya.

 

Nang ipaabot niya ang isyu sa Regional Director ng PhilHealth ay na-demote siya sa trabaho at inilipat ng posisyon sa Overseas Filipino Workers Affairs. (Ara Romero)

Other News
  • P5-B – P13-B halaga ng nasayang na COVID-19 vaccines nais paimbestigahan sa Senado

    NAIS ni Senator Risa Hontiveros na imbestigahan ng Senado ang tinatayang P5 billion hanggang P13 billion na halaga ng COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno na hindi nagamit matapos mag-expire.     Kaugnay nito, naghain ng isang resolution si Sen. Risa Hontiveros para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y large-scale wastage ng mga bakuna kontra […]

  • LeBron, Davis ‘di maglalaro sa preseason opener ng Lakers?

    Posible umanong hindi muna maglaro sa unang preseason game ng Los Angeles Lakers ang superstar duo nina LeBron James at Anthony Davis.   Ayon kay Lakers coach Frank Vogel, bagama’t wala pa silang nabubuong desisyon, ito na raw marahil ang tutunguhin ng kanilang magiging pasya.   “We haven’t made that decision yet, but I will […]

  • PEKENG DENTISTA TIMBOG SA ENTRAPMENT

    ISANG umano’y pekeng dentista ang arestado habang nagsasagawa ng dental procedure sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa loob ng kanyang clinic sa Caloocan City, kahapon ng umaga.     Kinilala ni District Special Operations Unit of Northern Police District (DSOU-NPD) head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Marian Meneses, isang insurance […]