• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Olympic playbook guides inilabas na para sa kaligtasan ng mga atleta

Sinimulan ng ilimbag ng International Olympic Committee (IOC), International Paralympic Committee (IPC) at Organising Committee of the Olympic and Paralympic Games Tokyo 2020 (Tokyo 2020) ang ikatlo at pinal na editions ng Tokyo 2020 Playbooks.

 

 

Magsisilbi itong komprehensibong gabay sa mga manlalaro at dadalo sa Tokyo Olympics na gaganapin sa susunod na buwan.

 

 

Isa aniya itong game plan para matiyak na ang mga Olympic at Paralympic Games participants at mga katao sa Japan ay mananatiling ligtas at malusog.

 

 

Ayon kay IOC Olympic Games Executive Director Christophe Dubi, ang Playbooks ay resulta ng halos isang taon na pakikipagpulong sa mga eksperto at ilang mga sports organisations.

 

 

Bagamat hindi nakasaad sa Playbooks ang mandatory na pagpapabakuna laban sa COVID-19, hinihikayat nila ang mga manlalaro at mga dadalo sa torneyo na magpaturok na ng bakuna.

 

 

Babala naman ni Olympic Games operations director ng IOC Pierce Ducrey na kanilang idi-disqualify ang mga manlalaro na lalabag sa nasabing playbooks.

Other News
  • 1.7M na RFID stickers nakabit sa mga sasakyan, SMC humihing ng extension sa deadline

    Naitala ng San Miguel Corporation (SMC) na may 1.7 million na RFID stickers ang nakabit na sa mga sasakyan subalit humihing pa rin na palawigin pa ang deadline ng paglalagay ng cashless transaction policy sa lahat ng expressways.   Hiniling ni SMC president Ramon Ang sa Department of Transportation (DOTr) na bigyan nila ng konsiderasyon […]

  • Pamasahe sa PUJ tumaas muli ng P1

    TUMAAS ng P1 ang pamasahe sa public utility jeepney (PUJs) simula noong nakaraang Biyernes kung saan ito ay binigyan ng go-signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos ang hearing na ginawa noong June 28.     Magiging P11 ang miminum na pamasahe sa mga PUJs mula sa dating P10 kung saan ito […]

  • RICKY LEE, nagpapasalamat sa pagre-restore ng ‘Sagip-Pelikula sa 14 na pelikulang sinulat niya

    BIHIRANG mag-post sa kanyang Facebook account ang multi-awarded screenwriter na si Ricky Lee.     Pero nag-post siya noong Friday, not because it is his birthday kundi para ipaalam sa mga tao ang ginagawang film retrospective ng ABS-CBN Restoration ‘Sagip-Pelikula’ ng mga pelikulang sinulat niya, para sa birthday month niya na nag-start noong March 16 […]