• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Olympics medalists may cash incentives HINDI mababalewala ang lahat ng hirap at sakripisyo ng 22 miyembro ng Team Philippines na tatarget ng gold medal sa 2024 Olympic Games sa Paris, France.

Sa ilalim kasi ng Republic Act 10699 o ang The National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang isang Olympic gold medalist ay tatanggap ng P10 milyon bilang cash incentive.

 

 

 

 

Hindi rin mawawalan ang mananalo ng silver at bronze medal dahil bibigyan sila ng P5 milyon at P2 milyong bonus, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Sa pagbuhat ni lady weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold ng Pinas sa 2021 Tok­yo Games ay tumanggap siya ng P10 milyon bukod sa P5 milyon mula sa Phi­lippine Sports Commission (PSC) base sa RA 10699.

 

 

 

Halos umabot sa P57 milyon ang nakuhang insentibo ng tubong Zam­boanga City galing sa mga sports patrons kagaya nina Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation at Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation.

 

 

Tumanggap din ng cash incentives sina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam at bronze medal winner Eumir Felix Marcial ng boxing.

Other News
  • Ads January 28, 2022

  • $14-B investments, naisakatuparan mula sa Marcos’ trips- DTI

    TINATAYANG 46 proyekto na nagkakahalaga ng $14.2 billion sa foreign investments ang naikatuparan mula sa byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa iba’t ibang bansa sa nakalipas na 16 na buwan.     Tinukoy ng Presidential Communications Office (PCO) ang data mula sa Department of Trade and Industry (DTI), lumalabas na may kabuuang $72.2 billion […]

  • ‘Di pa rin tinatantanan ng mga bashers: AGOT, sinabihan na alisin na ang galit sa puso

    HANGGANG ngayon, hindi pa rin pala tinatantanan ng mga bashers niya ang singer/actress na si Agot Isidro.       Pero tama si Agot, since siya kasi, living her life at very happy rin ito sa kanyang farm life tuwing wala siyang shooting o taping.     Ipinost tuloy ni Agot ang picture na obviously, kuha […]