Omicron tiyak na makakapasok din sa Pinas – Duque
- Published on December 3, 2021
- by @peoplesbalita
Nakakatiyak si Health Secretary Francisco Duque na makakapasok din ng Pilipinas ang Omicron variant ng COVID-19.
Pero sinabi ni Duque na hindi isyu kung makakapasok kundi kailan makakapasok.
Ginawa ni Duque ang pahayag matapos matanong ni Pangulong Rodrigo Duterte kung may posibilidad ba na makapasok sa bansa ang bagong variant na sinasabing mas mabilis makahawa.
“Yes, sir. It is a matter — it’s not a matter of ‘if,’ okay? It’s a matter of ‘when.’ So talagang iyan po, papasok ‘yan just as we have experienced with Alpha, Beta, Delta among the more compelling variants of concern, Mr. President,” paniniyak ni Duque.
Aminado ang Pangulo na nakakabahala ang nasabing mutant at sana naman aniya ay malabanan pa rin ito ng bakuna.
“Talagang mutant lang so it would worry us if it is more easily to transmit and itong potency ng bakuna will it work against this Omicron? Sana naman,” ani Duterte.
Ang pinakamabuti anyang paraan para maiwasan ang Omicron ay ang nakagawian nang “hugas, mask, iwas.
“Alam mo actually it’s a mutant. The response is almost the same: hugas, mask, iwas,” ani Duterte.
Maaari rin aniyang gamitin ang face shield bilang karagdagang proteksiyon.
Kaya lubhang kailangan aniya na paigtingin ang “Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration.”
Kailangan din aniya na maipaintindi sa mga mamamayan ang tatlong “major interventions” katulad ng pagsunod sa minimum public health standards; pataasin pa ang vaccination rate at ipagpatuloy ang pagpapatatag ng health systems capacity bilang paghahanda sa “worst-case scenario.”
Dapat aniyang samantalahin na mababa pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 para paghandaan ang pagpasok ng Omicron variant. (Daris Jose)
-
Ads June 4, 2022
-
2023-2028 PDP, hindi pa kumpleto
HINDI pa kumpleto ang dokumento ng 2023-2028 Philippine Development Plan (PDP) kaya’t naunsiyami ang pag-apruba sana ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes. Habang inilarawan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang blueprint bilang “ready for implementation,” sinasabing ang “final version” ay ide-deliver “by the end of this year.” Dahil dito, itinakda sa […]
-
Pinas ‘di titiklop sa isyu ng West Philippine Sea – Marcos
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi titiklop ang Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) sa gitna nang tumataas na geopolitical tension. Sa ika-88 anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ng Pangulo na sa kabila ng maraming probokasyon, ang bansa sa pamamagitan ng AFP, ay nananatiling isang […]