• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ON-LINE TAKING SA MGA BAR PASSER IPAPATUPAD NG SC

ISASAGAWA ng Supreme Court (SC) ang on-line oath taking  sa lahat ng mga nakapasa sa 2019 Bar Examination sa darating na Hunyo 25.

Ito ay matapos na aprubahan ng SC ang isang resolusyon  para gawin on-line ang oath taking ang mga bar passer  para maiwasan ang hawahan ng coronavirus disease (COVID-19).

Nabatid na nakakonekta rin ang online oath-taking sa telebisyon ng pamahalaan para mai-broadcast ito.

Ipinaliwanag ng SC, na ang online oath-taking ay eksklusibo lamang para sa mga 2019 bar passers na mahigit  sa 2,000.

“The Court authorized the Bar Confidant, under the guidance of the 2019 BAR Chairperson, Senior Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe, to perform all necessary acts, under existing rules, regulations, and resources, to carry out the oath taking as contemplated in the resolution,” nakasaad sa resolusyon ng  SC.

Magpapalabas pa umano ng karagdagang detalye ang  Office of the Bar Confidant sa mga susunod  na araw para sa gaganapin na  online oath-taking ng mga bar passer. (GENE ADSUARA)

Other News
  • RTC JUDGE ABADILLA, BINARIL NG RTC CHIEF CLERK OF COURT

    KRITIKAL ang isang Judge ng Regional Trial Court (RTC) nang pagbabarilin ng Hepe ng Court of Clerk sa loob ng kanyang tanggapan sa Manila City Hall, Manila.   Kinilala ang biktima na si Hon, Maria Theresa  Abadilla y Samonte, 44 Judge ng Manila RTC Branch 45 habang kinilala ang suspek na si Atty Amador Rebato y […]

  • Ads September 11, 2021

  • P20M iginawad ng DOLE sa mga manggagawang impormal

    MAHIGIT  800 na mga public utility vehicle (PUV) driver, solo parent, ambulant vendor, marginalized fisherfolk, person with disabilities, at iba pang vulnerable na mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap ng P20 milyong tulong mula sa labor department.     Iginawad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang tulong ng DOLE sa mga […]