• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

On-screen chemistry nina SANYA at GABBY, sekreto sa tagumpay ng ‘First Yaya’

MAGWAWAKAS na ngayong gabi ang well-loved primetime series ng GMA Network, ang First Yaya.

 

 

After ng ilang buwan na panalo sa ratings game at sa puso ng manonood dahil  na rin sa enthralling plot at gripping performances ng buong cast.

 

 

Sa final week, na-convince ni Melody (Sanya Lopez) si President Glenn (Gabby Concepcion) na wag ng mag-withdraw sa kanyang posisyon.

 

 

Samantalang, si Luis (Gardo Versoza), ang political foe disguised as an ally ng president, is enraged by his competitor’s bold statement against him and plots his revenge to assassinate President Glenn.

 

Ano nga ang magiging katapusan ng fairytale-like romance nina Yaya Melody at President Glenn?

 

 

Kasama ngang mahusay na nagsipangganap sa kani-kanilang vital roles sa serye sina Pancho Magno as PSG Conrad Enriquez, Ms. Pilar Pilapil as Blesilda Acosta, Cassy Legaspi as Nina Acosta, Joaquin Domagoso as Jonas, Maxine Medina as Lorraine Prado, Kakai Bautista as Pepita, Cai Cortez as Norma, Thou Reyes as Yessey, Patricia Coma as Nicole Acosta, Clarence Delgado as Nathan, Thia Thomalla as PSG Val Canete, Jon Lucas as Titus de Villa, Glenda Garcia as Marni Tupaz, Sandy Andolong as Edna Reyes, Buboy Garovillo as Florencio Reyes, Analyn Barro as Gemrose Reyes, Anjo Damiles as Jasper, at Jerrick Dolormente as Lloyd Reyes.

 

 

Ni-reveal naman ni Gabby ang mga mami-miss niya sa serye, “Mami-miss ko ‘yung samahan at tawanan. Hindi naman parating masaya sa set pero ito kakaiba dahil ngayon lang ako nakaranas na kahit sa set o sa labas, talagang masaya kami. Hindi ko malilimutan ‘yung samahan ng buong cast, staff, at production team.” 

 

 

Ayon naman kay Sanya, malaking pagbabago ang idinulot sa kanyang buhay ang first titular role, “Mas lumalim po ‘yung pagkakakilala ko lalo na sa mga kasambahay sa buhay natin. Mas na-realize ko na lahat tayo, lalo na ang mga kasambahay, lahat tayo may dinadalang problema. Dito mas nakilala ko ‘yung sarili ko at natutunan ko na sa buhay natin hindi lang sarili natin ‘yung mahalaga, pati na rin ‘yung buhay ng ibang tao.”

 

 

     Samantala, ibinahagi ni Pancho na excited na sila para sa viewers na matunghayan ang finale ngayong gabi, “Abangan nila kung ano pang mangyayari sa lahat ng characters. Honestly, we’re all super excited kung ano ang magiging kalalabasan at magiging reaction ng mga tao sa finale week namin.”

 

 

Ni-reveal naman ng director na si LA Madridejos, na naniniwala siya na ang sekreto sa tagumpay ng serye ay ang on-screen chemistry nina Sanya at Gabby, “Basically kung ano ‘yung nangyari kina Yaya Melody at PGA, ganoon din ‘yung nangyari sa chemistry nina Sanya and Gabby.

 

 

As we go along, makikita mo magwo-work ‘yung magic niyan. Iyon ‘yung masarap sa hindi pinilit. Iyon ‘yung masarap sa hinayaan mo mag-grow sila. Tapos unti-unti, kahit wala kang ibinibigay na instructions, meroon na silang inputs and nagagawa na at alam mo na na-invibe na nila ‘yung buong character.” 

 

 

     Kaya wag i-miss ang highly anticipated finale ng First Yaya na mula sa mahusay na direksyon ni LA Madridejos at ng associate director na si Rechie del Carmen ngayong gabi sa GMA Telebabad.

 

 

Para naman sa viewers sa ibang bansa, catch the program via GMA’s flagship international channel, GMA Pinoy TV.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Batangas LGU payag na magsilbing host sa training ng mga PBA teams

    Pumayag na ang mga opisyal ng Batangay City government na tumayo bilang host sa training ng ilang PBA teams, bilang paghahanda sa pagbubukas ng 46th season ng liga.     Kasunod ito nang pulong nina PBA Commissioner Willie Marcial at Barangay Ginebra team governor Alfrancis Chua kahapon, Mayo 1, kasama sina Batangas City mayor Beverley […]

  • Outreach program ng SPEEd, umabot na sa Nueva Ecija at Aurora

    MARAMI na namang napasaya at nabigyan ng tulong ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) matapos ang isinagawa na taunang outreach program. Nagtungo ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora nitong nagdaang Huwebes at Biyernes, Abril 4 at 5, para maghatid ng tulong sa ilang residente roon. Dumalaw […]

  • PNP napagkalooban ng P3B halaga ng kagamitan

    IPINAGKALOOB sa Philippine National Police ang nasa P3 bilyong kagamitan katulad ng helicopter, truck, armas at bomb equipment kahapon, Lunes.   Kabilang na rito ang dalawang single-engine turbine choppers na nagkakahalaga ng P225 milyon mula Airbus; 31 units ng troop carriers na nagkakahalaga ng P3.1 milyon;12 units ng pick-up vehicles na tinatayang nasa P1.6 milyon; […]