• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘One-seat-apart’ policy ‘di pagluluwag sa physical distancing rule: DOH

BINIGYANG-DIIN ng Department of Health (DOH) na ang one- seat-apart policy ng pamahalaan sa mga pampublikong sasakyan ay hindi pagbabawas sa umiiral na physical distancing protocols.

 

Sa isang virtual briefing, sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan lamang nila ng mensahe na mas madaling maiintindihan ng publiko kaya ginamit ang terminong one seat apart.

 

“Pag tinignan natin, parang hindi naman natin in-ease yung mea- sure, itong paggagawa ng one seat apart,” wika ni Vergeire.

 

“So, kailangan lang po magkaroon ng message na mas maayos at mas maliwanag para sa ating mga kababayan, kaya ginamit ang one seat apart.”

 

Bagama’t hindi pa malinaw kung pasok pa rin sa panuntunan ng World Health Organization (WHO) ang one-seat-apart rule, tiniyak ni Vergeire sa publiko na hindi magpapatupad ang pamahalaan ng patakaran na makasasama sa kalusugan ng publiko.

 

“Hindi po natin tinanggal na dapat merong distance between and among passengers in a specific transport vehicle. Ang ating ipapaliwanag at gustong iparating sa lahat ng ating mga kababayan, kailangan lang talaga mag-minimum health standards tayo,” ani Vergeire.

 

Nagpaalala naman ang opisyal sa publiko na magsuot ng face masks at face shields, at bawal na bawal din ang pagkain at pagsasalita sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

 

“And of course, we remind the owners or the Department of Transportation to strictly enforce itong ventilation systems na pinalabas po natin para mas makaiwas pa tayo sa impeksyon,” dagdag nito.

 

Una nang nilinaw ng Malacañang na hindi pa maaaring ipatupad ang napagkasunduan ng mga buong gabinete na “one seat apart policy” sa mga pampublikong sasakyan.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan pa munang mailathala sa official gazette ang napagkasunduan ng mga miyembro ng gabinete na payagan na ang isang upuang pagitang distansya ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon.

 

Ayon kay Sec. Roque, saka pa lamang magiging epektibo ang nasabing pagluluwag sa public transport kung na-comply na ang publikasyon.

 

Maliban sa paglalathala sa official gazette, kailangan pa umanong bumalangkas ng kaukulang guidelines na nasa responsibilidad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Other News
  • DOJ: Drug case vs De Lima ‘di iaatras

    NANINDIGAN si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi ibabasura ng gobyerno ang mga drug case na kinakaharap ni dating senador Leila de Lima sa gitna ng mga naging pana­wagan ng mga  mambabatas ng Estados Unidos na palayain siya sa pagkakakulong at isantabi ang lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya.     “Kinausap […]

  • Sara tinanggap ang Chairmanship ng Lakas–CMD

    Tinanggap ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang alok ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na maging chairman ng Lakas-CMD.     “I am honored to accept the Chairmanship of Lakas–CMD,” pahayag ni Sara.     Ang Lakas-CMD ay partido ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na President Emeritus ng Lakas habang si House Majority […]

  • Estranged husband na si Tom, missing in action… CARLA, two years nang ini-enjoy ang paggawa ng sabon

    MAY bagong hobby ang Kapuso actress na si Carla Abellana at ito ay ang paggawa ng sabon.     Pinakita ni Carla sa kanyang Instagram ang mga nagawa niyang sabon. Two years na raw niya itong ginagawa simula noong magkaroon ng pandemic. Nakaka-relax daw ito at nakakawala ng pagod.     “From attending basic and […]