“Online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas
- Published on February 12, 2021
- by @peoplesbalita
Pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas sa Kamara ang “online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, ngayong may COVID-19 pandemic.
Sa House Resolution 1555, sinabi ni Vargas na nakakabahala ang online na pag-aampon na maituturing na human trafficking.
Batay sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, sinabi ni Vargas na halos 50 ang pekeng Facebook accounts na nabistong nagsasagawa ng online adoption.
Ayon sa DWSD, nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation o NBI upang matukoy at mahuli ang mga nasa likod ng mga social media account.
Pero giit ni Vargas, dapat ay umaksyon ang pamahalaan at ang kongreso upang mapigilan na ang ganitong uri ng kalakaran at maprotektahan ang mga bata laban sa mga kriminal.
Hindi rin aniya dapat hayaan na may mga nagsasamantala sa kahirapan ng mga tao ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya.
Apela naman ni Vargas sa mga magulang, kung talagang desidido silang ipaampon ang kanilang anak ay idaan ito sa legal at tamang paraan, gaya ng sa pamamagitan ng agency adoption at pino-proseso ng DSWD o kaya’y pagpapapa-ampon ng bata sa kaanak (na hanggang ika-apat na degree ng consanguinity). (ARA ROMERO)
-
Drug suspect kalaboso sa P174K shabu sa Caloocan
KALABOSO ang isang hinihinalang drug personality matapos makuhanan ng mahigit P174K halaga ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa kahabaan ng Carnation […]
-
“ZOË KRAVITZ IS INSANELY SMART,” SAYS CHANNING TATUM OF THE FIRST-TIME DIRECTOR IN THE “FIRST LOOK FEATURETTE” FOR “BLINK TWICE”
PREPARE for the perfect get[away] in “Blink Twice,” the feature directorial debut of Zoë Kravitz, starring Channing Tatum and Naomi Ackie. “I’m a huge fan of the psychological thriller, horror genre,” says the first-time director, known for her roles in popular movies such as “X-Men: First Class” and the “Fantastic Beasts” films, […]
-
Esteban todo pakondisyon
ALAGA ng miyembro ng PH 2019 Southeast Asian Games women’s team foil bronze medalist na si Maxine Isabel Esteban ang pangangatawan at kalusugan kahit isang taon nang tengga sa mga kompetisyon dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Sa social media post nitong isang araw lang, todo ehersisyo ang 19-anyos na dalagang seksi at […]