Esteban todo pakondisyon
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
ALAGA ng miyembro ng PH 2019 Southeast Asian Games women’s team foil bronze medalist na si Maxine Isabel Esteban ang pangangatawan at kalusugan kahit isang taon nang tengga sa mga kompetisyon dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa social media post nitong isang araw lang, todo ehersisyo ang 19-anyos na dalagang seksi at masigla pa rin sa kabila na gumambala sa sports at mga atletang gaya niya ang pandemya.
Tumagpas ang tsinita at balingkinitang fencer sa kanyang rookie year sa 81st University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2018-19 ng tatlong gold at isang bronze medal patungo sa paggawad sa kanya ng Rookie of the Year award, at Most Valuable Player trophies.
Napagkampeon din niya ang Ateneo de Manila Lady Eagles sa women’s division nang taong iyon saw along paaralang liga, tinuldukan ang 13-season reign ng University of the East Lady Warriors. (REC)
-
Ads October 18, 2023
-
Libu-libong LLN at Mother Leader, tumanggap ng subsidiya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Upang higit na mapahusay ang mga serbisyo at mapataas ang kanilang moral, 4,166 na Mother Leaders (ML) at 636 na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) ang nabigyan ng tig P3,200 at P4,000 na tulong salapi sa isinagawang dalawang araw na programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na tinawag na ‘Distribution of […]
-
MAYOR TIANGCO NABAKUNAHAN NA NG 2ND DOSE
NAKUMPLETO na ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang kanyang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) inoculation kasunod ng kanyang ikalawang dose ng CoronaVac, noong Lunes sa San Jose Academy. “Fully vaccinated na po tayo matapos makuha ang ikalawang dose ng CoronaVac. 28 days ang hinintay bago makumpleto ang dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19. […]