• June 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas

Pinaiimbestigahan ni House Committee on Social Services chairman Alfred Vargas sa Kamara ang “online adoption” o illegal na pag-aampon gamit ang social media, ngayong may COVID-19 pandemic.

 

 

Sa House Resolution 1555, sinabi ni Vargas na nakakabahala ang online na pag-aampon na maituturing na human trafficking.

 

 

Batay sa Department of Social Welfare and Development o DSWD, sinabi ni Vargas na halos 50 ang pekeng Facebook accounts na nabistong nagsasagawa ng online adoption.

 

 

Ayon sa DWSD, nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation o NBI upang matukoy at mahuli ang mga nasa likod ng mga social media account.

 

 

Pero giit ni Vargas, dapat ay umaksyon ang pamahalaan at ang kongreso upang mapigilan na ang ganitong uri ng kalakaran at maprotektahan ang mga bata laban sa mga kriminal.

 

 

Hindi rin aniya dapat hayaan na may mga nagsasamantala sa kahirapan ng mga tao ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya.

 

 

Apela naman ni Vargas sa mga magulang, kung talagang desidido silang ipaampon ang kanilang anak ay idaan ito sa legal at tamang paraan, gaya ng sa pamamagitan ng agency adoption at pino-proseso ng DSWD o kaya’y pagpapapa-ampon ng bata sa kaanak (na hanggang ika-apat na degree ng consanguinity). (ARA ROMERO)

Other News
  • Kaya tuloy na tuloy pa rin ang ligaya: TITO, VIC & JOEY, na-retain ang creative control sa ‘Eat Bulaga’

    TIYAK na ikatutuwa ng mga fans at followers ng long-running noontime variety show na “Eat Bulaga,” ang post na “Tuloy ang ligaya! TVJ to retain creative control of “Eat Bulaga” as Jalosjos family agrees to stand down. – Eat Bulaga was at risk of a major overhaul due to a feud between its stakeholders.  But […]

  • Ikalawang yugto ng digmaan sa Ukraine, nagsimula na

    INIHAYAG  ni Ukraine Office of the President head Andriy Yermak na nagsimula na sa rehiyon ng Donbas ang “ikalawang yugto ng digmaan”.     Sa nasabing aktibidad, mas pinalakas pa ng Russia ang kanilang opensiba.     Ngunit, hinimok ni Yermak ang mamamayan ng Ukraine na magtiwala sa kanilang Armed Forces.     Nauna nang […]

  • Bagsak na grado kay BBM sa unang 100 araw nito

    BINIGYAN ng bagsak na grado ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Pangulong Bongbong Marcos para sa nalalapit na unang 100 araw nito sa Palasyo     “Sa totoo lang parang may pagka-deja vu ang Marcos Jr. administration sa nakaraang administrasyon ni Duterte. Napakaraming pinangako pero wala pa ding […]