• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

De Jesus dagdag puwersa sa Gilas Pilipinas Women

MAY isang  Filipina-American ang nakatakdang madagdag bilang reinforcement ng Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas Women para sa ilang piling mga kompetisyon sa mga parating na buwan o taon.

 

Ang nagpahayag ng interes ay si Vanessa de Jesus, 18, incoming freshman sa pre-med course at kasapi ng women’s basketball team sa Duke University Blue Devil, isang tinitingalang United Sates National Collegiate Athletic Association (NCAA) Division 1 school.

 

Isinilang at lumaki sa California ang dalaga na Pinoy at Pinay ang mga magulang bago nanirahan at nagpalit ng kanilang nasyonalidad sa Land of Milk and Honey.

 

Kabilang sa kredeensiyal  niya’y 2019 All-CIF Southern Section Co-Player of the Year, All-CIF Open Division 1st team member Gold Coast League Most Valuable Player.

 

Hindi nga lang kumuha ng pasaporte niya si De Jesus bago nag-16-na taon, kaya ilan sa maari lang niyang sabakan ang International Basketball Federation (FIBA) 3×3 tournaments, regional event na may sariling rules katulad ng Asian Games, Southeast Asian Games, Jones Cup, at Southeast Asia Basketball Association (SEABA) Championship.

 

Bawal na siya na siya puwede sa mga torneong may bendisyon ng FIBA kagaya ng Summer Olympic Games, World Cup, Asian Championship at iba pa kapag mga 5-on-5.

 

Napag-alaman nitong Biyernes ng OD, na aasikasuihin na ni Gilas Women’s coach Patrick Henry Aquino pasaporte ni De Jesus ay para sa dual citizenship para maging naturalized player ng national quintet.  (REC)

Other News
  • PAGBILI NG BAGONG VCM, INIREKOMENDA

    DAPAT nang  umarkila ng mga bagong vote counting machine para sa pagsasagawa ng 2025 polls at higit pa upang maiwasan ang mga insidenteng hindi gumaganang VCM sa hinaharap.     Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia ang posisyon sa deliberasyon ng Commission oin Appointments sa kanyang nominasyon bilang poll body chairperson at sinabing hindi na […]

  • Legendary golfer Kathy Withworth pumanaw na 83

    Pumanaw na ang legendary golfer na si Kathy Whitworth sa edad 83.     Kinumpirma ito ng Ladies Professional Golf Association ng US ang pagpanaw ng award-winning golfer.     Ayon sa LPGA na bigla na la mang itong nalagutan ng hininga haban nagdiriwang ng kapaskuhan.     Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye […]

  • Panukalang Bayanihan III, pag-iisahin sa TWG

    Binuo ng House Committee on Economic Affairs ang isang technical working group (TWG) para pag-isahin ang dalawang panukala na naglalayong madaliin ang pag-ahon ng ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng nararanasang pandemya.   Ang House Bill 8031 o ang “Bayanihan to Arise as One Act” at ang HB 8059 o ang “Bayanihan to Rebuild as […]