• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online na muna ang 2021 PSA Annual Awards Night

SA unang pagkakataon sa kasaysayan, isasagawa ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang taunang SMC-PSA Annual Awards Night sa pamamagitan ng virtual sanhi ng kasalukuyang COVID-19.

 

 

Nakatakda ang aktibidad sa Marso 27, na may limitadong bilang lang ng mga panauhin na papayagan sa studio ng TV5Media Center sa Mandaluyong, habang ang natitirang mga awardee ay ihu-hook up online.

 

 

Habang ang buong palakasan ay hindi naiwasan ang pandemya, may ilang atletang Pinoy pa rin ang mga nagpasiklab at umangat sa mga paghihirap  isang bagay na dapat palakasin sa oras ng kawalan ng pag-asa sa bansa.

 

 

Tampok sa natatanging espesyal na kaganapan na mga susuportahan ng San Miguel Corporation (SMC) at Philippine Sports Commission (PSC), ang paggawad ng inaasam ng lahat na Athlete of the Year trophy, na eksklusibong nailahad ng pinakaunang organisasyon ng media sa bansa na pinangungunahan sa ngayon ng pangulo na si Manila Bulletin sports editor Eriberto ‘Tito’ S. Talao.

 

 

Ang iba pang mga regular na parangal na iaabot sa taunang seremonya  ay ang Executive of the Year, President’s Award, National Sports Association (NSA) of the Year, at Lifetime Achievement Award.

 

 

Ang mga pangunahing pinarangalan sa iba’t ibang palakasan ay kasama rin sa listahan pati na rin ang kaunting pagsipi at mga espesyal na pagkilala sa mga tao at entidad na nagpatuloy sa palakasan ng bansa sa pinakamadilim na oras ng sangkatauhan.

 

 

Ang isang oras na programa ay ieere ng Cignal TV na iho-host nina Gretchen Ho at Carlo Pamintuan.

 

 

Nitong nakaraang taon, ang Team Philippines ang tumanggap ng  Athlete of the Year dahil sa matagumpay na kampanya ng bansa sa 30th Southeast Asian Games, kung saan lumitaw ang Pilipinas na pangkalahatang kampeon sa pangalawang pagkakataon lang sa 43 taong kampanya sa sa 11-nation, biennial meet.

 

 

Ang Awards Night ay ginanap sa makasaysayang Manila Hotel noong Marso 6, isang linggo bago ang buong lugar ng Luzon isailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kasunod ng pagsiklab ng Coronavirus Disese 2019.

 

 

Mula po rito sa OD, isang saludo sa pamunuan ninyo riyan sa PSA. (REC)

Other News
  • Fund raising ng Muaythai Association of the Ph, pandagdag sa budget ng national athletes

    Aktibong nagpa-fund raising ang Muaythai Association of the Philippines para maidagdag na tulong sa national athletes kasunod ng pagbawas ng 50% sa budget ng mga ito.   Sa interview kay Asst. Sec. Gen. Francis Amandy ng Philippine Muaythai, sinabi niyang nag o-online selling sila at online tutorial kung saan ang lahat ng kinikita ay binibigay […]

  • Ilang senador, “overreacting” sa pagkadismaya ni pdu30 sa banat nito laban sa senate hearing

    PARA kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “overreacting” ang ilang senador sa pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagbili ng medical supplies sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.   Sa kanyang commentary show na Counterpoint, nilinaw ni Panelo na hindi kailanman […]

  • DOH Sec. Herbosa, humingi ng tulong sa media para itaas ang kamalayan ng publiko ukol sa kahalagahan ng bakuna

    HUMINGI ng tulong si Health Secretary Teodoro Herbosa Jr. sa mga miyembro ng media na itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng bakuna.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ng Kalihim ang kahalagahan ng malawak na information drive para maturuan ang mga Filipino lalo na iyong mula sa mas mababang socioeconomic […]