• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fund raising ng Muaythai Association of the Ph, pandagdag sa budget ng national athletes

Aktibong nagpa-fund raising ang Muaythai Association of the Philippines para maidagdag na tulong sa national athletes kasunod ng pagbawas ng 50% sa budget ng mga ito.

 

Sa interview kay Asst. Sec. Gen. Francis Amandy ng Philippine Muaythai, sinabi niyang nag o-online selling sila at online tutorial kung saan ang lahat ng kinikita ay binibigay sa mga atleta.

Dagdag pa ni Amandy na nakakatuwa dahil maging ang national athletes ay may kanya-kanya ring paraan upang makapag-training pa rin sa kabila ng mahirap na sitwasyon.

”Resourceful lang kung baga balik tayo sa sinauna na imbis na sumisipa tayo sa mga modern na mga punching bags, mga kicking shield, kicking pads sp nandoon sila sa mga puno. Sila yong gumagawa ng paraan kung ano yong mga ilalagay nila doon” pahayag ni Francis Amandy Asst. Sec. Gen. ng Philippine Muaythai.

Other News
  • Ads February 7, 2024

  • Robredo voters lumobo habang Marcos dumapa nang kaunti sa survey — Pulse Asia

    BAHAGYANG  nabawasan ang mga Pinoy na iboboto sa pagkapangulo si survey frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang umakyat naman ang mga nagsabing kay Bise Presidente Leni Robredo sila ngayong Mayo 2022, ayon sa Pulse Asia.     Ito ang lumabas na resulta, Miyerkules, matapos ang pag-aaral na ginawa mula ika-17 hanggang ika-21 ng Marso sa […]

  • Navotas ammonia leak, 2 na ang patay – CDRRMO

    Nadagdagan pa ang bilang ng nasawi dahil sa ammonia leak na naitala sa TP Marcelo ice plant and cold storage sa Navotas City.     Mula sa isang namatay kagabi, dalawa na umano ngayon ang binawian ng buhay dahil sa naturang pangyayari.     Ang unang namatay ay nakilalang si Gilbert Tiangco, habang ang isa […]