Online, preferred mode para sa SIM card registration- DICT
- Published on October 15, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na mas mabuting idaan sa online ang proseso ng SIM card registration.
Giit ni Uy, mahirap ang physical registration dahil malaki ang posibilidad na dumagsa ang mga tao sa registration sites.
“The preferred mode will be online po dahil sa dami po at hindi po kaya na i-physical,” ayon kay Uy.
“‘Yan po ang ideal situation, online po ang lahat ng registration at submission ng mga verifiable documents katulad ng passport or driver’s license or SSS, GSIS or PhilHealth cards upang maverify. Mahirap po ang on site registration dahil madudumog po ng mga tao ang locations na ‘yan at di ho kaya. May 144 to 150 million po ang mga prepaid cards na na-issue,” wika pa nito.
Nauna rito, pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontrobersyal na SIM Card Registration Act para mapalakas pa ang kampanya ng pamahalaan kontra sa mga text at online scams na naging talamak kamakailan lamang.
Sinasabing malaking tulong sa mga awtoridad na maatunton ang mga gumagawa ng scam at iba pang uri ng kriminalidad gamit ang cellular phone.
Sa kabilang dako, mula sa pagiging epektibo ng batas, ang lahat ng existing postpaid at prepaid SIM users ay required na magparehistro sa loob ng 180 araw o anim na buwan upang maiwasan ang deactivation.
Maaari ani Uy na magparehistro ang isang indibidwal ng multiple SIM cards “as long as he or she is properly-identified.”
“Wala naman pong limitasyon, ang importante po is ‘yung SIM card, properly-identified ‘yung owner,” ayon kay Uy.
Wika ni Uy, maaaring iprisenta ng isang indibidwal ang kanyang passports at driver’s licenses sa pagpaparehistro ng SIM cards kung wala pa itong national ID.
Sinabi pa ni Uy na binabalangkas na ng National Telecommunications Commission ang implementing rules and regulations para sa bagong batas.
“It (new law) will require 15 days ho to be effective after publication sa Official Gazette,” ani Uy.
“So once mangyari po ‘yun, ‘yung IRR malalabas po ng NTC within 60 days at ang palugit po ng registration ay 180 days o anim na buwan po,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Kelot isinelda sa baril sa Caloocan
HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Eduardo Ocampo Jr alyas “Jun Tattoo” ng Block 25, Lot 24 Madrid Street Tierra Nova, […]
-
Bilang ng mga mahihirap na pinoy, bumaba noong 2023- PSA
BUMABA ang bilang ng mga mahihirap na Filipino noong nakaraang taon, 2023. Ito’y ayon sa Full Year Official Poverty Statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA). Sa katunayan, mula 19.90 milyon noong 2021, bumaba ito sa 17.54 milyon noong 2023. Dahil dito, ang poverty incidence ay 15.5% noong 2023 mula 18.1% noong […]
-
BARBIE, nakikipagsabayan sa veteran actresses na sina BOOTS, SUNSHINE at MARICEL; sayang lang at ‘di kasama si JAK sa serye
BIG surprise pala kay Geneva Cruz nang i-offer sa kanya ng GMA Network ang bago nilang Afternoon Prime na Little Princess na ginagampanan ni Kapuso actress Jo Berry. “Nagulat ako kasi nga matagal na akong hindi umaarte. Dahil I chose to focus on singing in concerts and live shows,” sabi ni Geneva. […]