Online PSC National Sports Summit tuloy sa Miyerkoles
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
TULOY ang pagdaraos ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Summit sa isang tatlong-bahagi na programa na may serye na lingguhang sesyon sa online simula sa Miyerkoles, Enero 27.
“We wanted to push through with this because we know it will be useful to know where we are now from where we were almost three decades ago. It will help see the road ahead of us and navigate it better,” lahad ni PSC Chairman “Butch” Ramirez sa Opensa Depensa.
Tinukoy ng opisyal ang 1st National Sports Summit 1992, kung saan 38 resolusyon ang binalangkas para sa isang mas malinaw na direksiyon at mahusay na programa sa pambansang palakasan o palaro para sa mga Pinoy.
Tema para edisyong ito ng government sports agency ang Sports Conversations, na sasaklaw sa may 25 paksa tungkol sa industriya.
Ibinahagi pa ni Ramirez na “ang datos na makakalap mula sa mga sesyon na ito ang pag-aaralan at mapoproseso, na magiging pundasyon ng isang bagong hanay ng mga resolusyon na inaasahan na magiging kapaki-pakinabang para sa hinaharap sa mga pinuno sa sports, mambabatas, at opisyal na nag-aambag sa pagpapabuti ng sports at mga atleta.
Natutuwa ang pitak na ito na kahit maty pandemya’y tinuloy pa rin ng Komisyon ng Palaro sa Pilipinas O PSC ang makabuluhang proyekto nila.
Kaya isang palakpak po mula sa OD. Mabuhay kayo riyan sa PSC. (REC)
-
6 pang probinsya, nagtala ng ASF outbreak – DA chief
IBINUNYAG ng Department of Agriculture (DA) na nakapagtala pa sila ng outbreak ng African swine fever (ASF) sa anim na karagdagang probinsya sa buong bansa. Ayon kay DA Sec. William Dar, may na-monitor silang mga ASF outbreaks sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon, at Cavite. “Ang mga kawani ng Kagawaran […]
-
TANSINGCO UMAASA NA MAISASABATAS ANG BAGONG IMMIGRATION LAW
UMAASA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na ang batas para pagbabago ng ahensiya ay tuluyan din maipapasa. Ginawa ni Tansingco ang pahayag kasunod ng pagsuporta ng ilang mambabatas sa Kongreso na ipapasa nila ang natitirang priority bills. Tinukoy ng BI ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang […]
-
DBM naglabas ng P2.76-B para sa COVID-19 vaccines
Base sa latest data ng DBM, hanggang noong, Enero 14, 2021, inilabas ang special allotment release order (SARO) noong Disyembre 28, 2020, na nagkakahalaga ng P1.49 billion. Ang halagang ito ay advance payment sa biniling bakuna sa ilalim ng $100-million Covid-19 emergency response project loan sa World Bank noong nakaraang taon. Bukod dito, […]