Online purchasing power ng mga Pinoy, lumakas sa reporma ng PBBM admin
- Published on November 14, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Navotas Congressman Toby Tiangco na ang paglakas ng online purchasing power ng mga Pinoy ay bunga ng inilatag na reporma ng administrasyon na layuning palawakin ang digital economy ng bansa.
“President Marcos identified Information Technology as one the key pillars of his administration, and we are now reaping the benefits of this renewed focus on ICT development and digital transformation,” ani Tiangco.
Ayon pa sa kanya, ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr sa ICT at malinaw na layuning maisulong ang digital information sa bansa ang isa lang sa dahilan ng paglakas ng digital economy.
“By improving connectivity, expanding access to the internet, cybersecurity, and streamlining digital technology, the administration has laid the groundwork for digital economies to prosper,” aniya.
Sa pinakahuling ulat ng e-Conomy SEA ng Google, Temasek at Bain & Company lumabas na ang Pilipinas ang may pinakamataas na pag-angat ng Internet economy sa anim na bansa sa Southeast Asia.
Tulad ng datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang sapi ng digital payments ng bansa sa kabuuang transaksiyon sa retail payment ay lumago ng 52.8 porsiyento noong 2023 kumpara sa 42.1 percent noong 2022
“I am confident that these positive trends will continue as the country fully embraces the digital revolution. More importantly, targeted government initiatives will further empower digital economies as drivers of growth,” sabi ng mambabatas.
“We would also like to thank the private sector for their trust and collaboration in the government’s mission to position the Philippines as a major player in the global digital economy,” dagdag niya.
Gayunpaman, hinimok ni Tiangco ang Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission na palakasin pa ang kanilang kampanya para labanan ang cybercrime. (Richard Mesa)
-
Fernando, tiniyak na kontrolado ang ASF sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ipahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ang pagpapatupad ng pork ban mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, tiniyak ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy na kontrolado na ang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa lalawigan. Naglabas ang Pamahalaang […]
-
Bading natagpuang tadtad ng saksak
DAHIL sa mabahong amoy, nadiskubre ang bangkay ng isang 44-anyos na bading na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanyang inuupahang tindahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Sa nakarating na report kay Malabon Police Chief Col. Angela Rejano, ala-1:40 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang […]
-
SIMBAHAN, MANANATILING NON-PARTISAN SA ELEKSIYON
TINIYAK ng isang obispo na mananatiling non-partisan ang simbahan at hindi mag-eendorso ng pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Novaliches bishopc emeritus Teodoro Bacani Jr., bagama’t walang batas na pumipigil sa mga pari na makialam sa pulitika, sinasaad naman sa batas ng simbahan na hindi maaring kumandidato o mag-endorso ang mga pari […]