ONLINE SELLER 3 PA, KULONG SA P.2 MILYON SHABU
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
HALOS P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babaeng online seller na natimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities.
Alas-3:00 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna PSSg Julius Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni P/Col. Angela Rejano ng buy-bust operation sa kahabaan ng Avocado St. Brgy. Potrero.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Bernadeth Morales alyas “Bodeth”, 32, online seller ng Bagong Barrio, Caloocan City at Axel De Guzman, 29 ng Sta. Cruz, Manila matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Jervic Pastor, 18, ng Brgy. 144, Caloocan City at nakuha sa kanila ang nasa 17.7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P120,360.00 ang halaga at buy-bust money.
Nauna rito, dakong 10 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Rolando Balasabas si Wendy Cusi alyas “Wewe”, 26, (pusher/listed) sa buy-bust operation malapit sa kanyang bahay sa Leongson St., Brgy. San Roque, Navotas city.
Narekober kay Cusi ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, at P300 marked money. (Richard Mesa)
-
PDU30 inutos ang paggamit ng digital payments sa gobyerno
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno ang paggamit ng digital payment services. Sa Executive Order 170 na nilagdaan ni Duterte noong Mayo 12, nakasaad na nakita ang mga benepisyo ng digital payment services sa iba’t ibang sektor sa kasagsagan ng COVID-19. Nakasaad sa EO […]
-
Ipinagpapalagay na tungkol sa married life niya: Caption ni HEART na ‘stay hopeful while waiting for the sun’, parang double meaning
FEEL namin talaga na among the new generation of singers, ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano ay si Darren Espanto ang numero una na hinahangaan niya. Ilang beses na rin na talagang all-out ang papuri at paniniwala ni Gary sa talento ni Darren. At magkasama sila sa ASAP in […]
-
Dahil sa maling report tungkol kina Vice at Marian: GRETCHEN, pinuri ng mga netizens sa pag-issue ng public apology
PINUPURI ngayon ng mga netizens si Gretchen Ho dahil sa pag-issue niya ng public apology sa maling report ng “Frontline sa Umaga” ng TV5 kunsaan, siya ang newscaster kina Vice Ganda at Marian Rivera. Bukod sa dinilete ng TV5 ang tweet nila tungkol dito na talagang nireakan ni Vice Ganda, nag-tweet pa ng personal […]