• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ONLINE SELLER TIMBOG SA BARIL

KULONG ang 27-anyos na online seller matapos magpakilalang pulis at makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang masita ng mga tunay na pulis sa checkpoint sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, maliban sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act, mahaharap din si Persius Corrales ng 354 Everlasting St Brgy. NBBS Proper, Navotas city sa kasong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Authority.

 

Sa imbestigasyon nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal II at P/SSgt. Ernie Baroy, isa si Corrales na sakay ng motorsiklo sa mga riders ang pinara ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 na nagsasagawa ng checkpoint sa kanto ng C-4 Road at Leoño St. Brgy. Tañong alas- 9:20 ng gabi subalit, nagpakilala itong pulis na nakatalaga sa District Special Operation Unit (DSOU) of Northern Police District (NPD).

 

Nang hanapan ni P/Lt Ap Sugui si Corrales ng kanyang police identification card ay wala itong naipakita na naging dahilan upang arestuhin ito ng mga pulis.

 

Nang kapkapan, narekober ng mga pulis kay Corrales ang isang calibre .45 Armscor pistol na may magazine at kargado ng limang bala.

 

Ani Col. Tamayao, wala din naipakitang lisensya at permit to carry outside residence ang suspek. (Richard Mesa)

 

Other News
  • US at Canada naghahanda na sa pagtama ng snow storm

    MARAMING  flights ang nakansela at maraming residente ng US at Canada ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa banta ng winter storms.     Nagdeklara na rin ng state of emergency ang Virginia, Georgia, North at South Carolina dahil sa nasabing sama ng panahon.     Babala ng US National Weather Service (NWS) na […]

  • Kahit na todo-bigay sa love scenes: AJ, gusto ring makilala na magaling na artista at goal nila ‘yun ni SEAN

    KAHIT na super daring at todo bigay pa rin sa mga love scenes nila ni Sean de Guzman sa Hugas ang bagong movie ng Vivamax, kumpara sa mga past movies nila, ang action element sa Hugas ang nakikitang kaibahan ni AJ Raval.     Sey ni AJ, “Unang-una po, ang kaibahan po sa mga ginawa […]

  • P1.3B halaga ng tulong para sa 90-day Mayon response; mga bakwit, nagkasakit-OCD

    MAHIGIT sa P1.3 bilyong halaga ng relief assistance ang inihanda na ng national government para tugunan ang pangangailangan ng mga residente na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa loob ng 90 araw.     Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, mayroong “constant communication” ang mga concerned national government agencies […]