• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Onyok pinayuhan ang 4 Olympic medalists

Imbes na makuntento sa nakamit na Olympic Games medals ay dapat pang magpursige sina weightlifter Hidilyn Diaz at boxers Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Felix Marcial.

 

 

Ito ang payo ni 1996 Atlanta Olympics silver medalist Mansueto ‘Onyok’ Velasco  Jr. kina Diaz, Petecio, Paalam at Marcial na tatanggap ng milyones dahil sa kanilang pagko­lekta ng apat na medalya sa Tokyo Games.

 

 

“Tuluy-tuloy lang din at huwag ninyong isipin na may pera na kayo, huwag ninyong isipin na mayaman na kayo,” ani ng 47-anyos na dating amateur boxer. “Isipin ninyo na back to normal ulit, back to zero ka ulit para iyong pagkauhaw mo sa medalya nandoon pa rin.”

 

 

Tinapos ni Diaz ang 97 taon na paghihintay ng Pinas sa kauna-unahang Olympic gold medal nang magreyna sa women’s 55-kilogram division ng Tokyo Games weightlifting competition.

 

 

Kapwa naman sumuntok ng silver medal sina Petecio at Paalam sa women’s featherweight at men’s flyweight classes, ayon sa pagkakasunod at nag-ambag ng bronze si Marcial sa men’s middleweight.

Other News
  • Estate Tax Amnesty, palawigin

    IPINASA ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukalang magpapalawig sa ipinatutupad na Estate Tax Amnesty ng dalawang taon o hanggang 2025.     Layon ng panukala na mabigyan ng sapat na panahon sa mga taxpayer para mabayaran ang kanilang tax obligations.     Base sa Republic Act no.11569 na inamyendahan ng RA 11213 o ang […]

  • Helper itinumba ng riding-in-tandem sa harap ng live-in partner

    NASAWI ang isang 30-anyos na helper matapos pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang live-in partner ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City, kahapon ng umaga.     Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo ang biktima na kinilalang si Cristalino Valino, […]

  • PDu30 at Pacman, nagpulong sa Malakanyang, nagkabati na

    KINUMPIRMA ng Malakanyang ang nangyaring pulong noong Nobyembre 9 sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senador Manny Pacquiao.   ” It was a short and cordial meeting requested by the camp of the good Senator,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Aniya, naroon din sa pulong si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go. […]