• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Operasyon ng MVIS hubs pinahihinto ng Senado at Kongreso

Magkasunod na humiling ang mga Senador at Kongresman na pahintuin ang pagpapatupad ng implementasyon ng pribadong motor vehicle inspection system (MVIS) ng Land Transportation Office (LTO).

 

Ayon sa mga Senador, ang MVIS ay unconstitutional at pagisisimulan lamang ng malawakang kurupsyon.

 

Sa nakaraang imbestigasyon ng Senado ay hiningi ni Senate committee on public services Chairman Grace Poe sa LTO at Department of Transportation (DOTr) ang mga listahan ng mga pangalan na may-ari ng mga pribadong MVICs dahil sa alegasyon na ito ay pagmamayari ng mga politico.

 

May 17 MVICs na nabigyan ng accreditation ang LTO noong nakaraang December. Sa ngayon ay mayron ng 23 MVICs na may operasyon mula sa 138 centers na kanilang target sa darating na dalawang taon.

 

Sinabi rin ni Poe na inalis ng LTO at DOTr mula sa guidelines ang anti-corruption provision na nagbabawal ang mga opisyal ng ibang ahensiya ng pamahalaan na bigyan ng accreditation at stake sa MVICs, kasama na ang sa iba pang businesses na may relasyon sa MVICs.

 

Ayon naman kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto na ang MVIS ay magbibigay ng windfall na P8 billion kada taon sa mga MVICs na sa ngayon ay dumadami na sa kabila ng tumataas ng mga reklamo dahil sa mataaas na presyo. May mga report din na nasisira ang ibang mga sasakyan sa testing dahil sa kakulangan ng standard equipment at walang tamang kaalaman ng mga staff.

 

Dagdag pa rin ni Poe na kung sana ay kumunsulta sa NEDA ang DOTr at LTO, ang mga fees ay mas mababa.

 

“The DOTr failed to consult the National Economic Development Authority (NEDA) on the matter as mandated by regulations,” ayon kay Recto.

 

Noong 2018, ang LTO ay nag issue ng memorandum circular na nagbibigay ng karapatan sa mga PMVICs na magkolekta ng inspection fee na nagkakahalaga ng P1,800 mula sa motor vehicles na may timbang na 4,500 kilograms o mas mababa pa dito. Subalit kung hindi pumasa ang sasakyan ay kailangan na sumailalim ito sa mga repairs at muling ibabalik sa PMVIC kung saan ang motorista ay magbabayad ng karagdagang P900 para sa reinspection para mabigyan sila ng clearance.

 

Ang mga motorcycles at tricycles ay magbabayad naman ng P600 sa inspection at P300 para sa reinspection.

 

 

Inamin ng opisyales ng DOTr na sa ilalim ng set up, ang MVICs ay nagbabayad lamang ng P100,000 kada taon sa LTO.

 

Samantala, sinagot naman sila ni DOTr undersecretary Renier Yebra na ang MVIS project ay may legal backing tulad ng 56-year old na RA 4136, Clean Air Act at EO 125 ng 1987 na siyang nagbigay ng karapatan sa DOTr na kumuha ng tulong mula sa private sector tulad ng MVICs.

 

“Nothing in the aforementioned laws allows the DOTr to delegate powers granted to the agency by Congress, adding the Clean Air Act mandates specific actions that the agency and the Department of Environmental and Natural Resources should undertake,” wika naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

 

 

Wika naman ni Senator Imee Marcos na bakit ngayon lamang ipinatupad ang inspection policies samantalang nag relax ang LTO ng mga taong 2018 at 2019.

 

 

Sa kabilang dako, ang Mababang Kapulungan naman ay pareho lang ang sentiment sa Senado na dapat ay suspendihin ang pagpapatupad ng nasabing batas.

 

 

Kung kaya’t maghahain ng isang resolution si Committee Chairman on Transportation Edgar Mary Sarmiento na naglalayon na suspendihin ang pagpaptupad ng privatized motor vehicle inspection system (MVIS).  (LASACMAR)

Other News
  • Agarang tulong pinatitiyak… PBBM nagpaabot ng simpatiya sa mga biktima ng Bagyong Kristine

    PINANGUNAHAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang kung saan hiningan nito ng update ang mga concerned agencies.Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang kung saan hiningan nito ng update ang mga concerned agencies.   Ang pulong ay dinaluhan ng mga gabinete at mga head ng […]

  • Malakanyang, todo-depensa

    Todo-depensa ang Malakanyang sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga mambabatas na amiyendahan ang anti-terrorism law ng bansa. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang ‘draconian provisions’ ang nakapaloob sa Human Security Act of 2007.     “Wala naman pong draconian na provision diyan. Lahat po ng provision diyan binase rin […]

  • JICA president Tanaka, nag-courtesy call sa Malakanyang

    NAG-COURTESY CALL si Japan International Cooperation Agency (JICA)president Akihiko Tanaka kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules.   “JICA has always been an important partner for the Philippines. It started only with infrastructure, but now you have also expanded into other areas, so we hope we can continue, especially the […]