• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tatlong cabinet secretaries, naka- quarantine rin ngayon

TINATAYANG may tatlong cabinet secretary ang naka- quarantine ngayon.

 

Ito’y maliban kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpositibo sa Covid -19.

 

Ang tatlong cabinet secretary ayon kay Sec. Roque ay sina  NTF Deputy Chief Implementer testing czar Sec. Vince Dizon. Si Dizon  ay nakahulubilo ni Sec. Roque dahil magkasama sila sa isang event sa Ilocos Norte nitong nakalipas na Biyernes.

 

Ani Sec. Roque, sinabihan na niya ang iba pang mga indibidwal na kaniyang nakasama mula nitong march 11 hanggang march 14 para sila makapag self isolate o quarantine na rin.

 

Sinabi pa nito na kasama niya at nakasalamuha  niya sa mga panahong ito ay si ilocos norte governor matthew joseph marcos manotoc.

 

Bukod kay Dizon, naka- quarantine din ngayon si NTF chief implementer Carlito Galvez jr. dahil galing ito sa abroad o sa India kung saan siya nagsara ng 30 milyong doses ng Novavax.

 

Kasama sa protocol na kapag glling sa ibang bansa at bumalik dito sa pilipinas ay obligadong sumailalim sa quarantine protocols.

 

Habang ang pangatlo namang cabinet secretary na naka-quarantine ay si Defense Secretary Delfin Lorenzana, dahil na exposed din ito sa nagpositibo sa Covid -19.

 

Dahil dito, sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere, Lunes ng gabi ay tanging si Health Secretary Francisco Duque III lamang ang cabinet secretary na nakaharap nang face to face ng Chief Executive dahil sina Sec. Roque, Galvez at Lorenzana ay naka zoom sa ginanap na pulong.  (Daris Jose)

Other News
  • Tim Burton, Directing A Coming-Of-Age Series About Wednesday Addams For Netflix!

    AN Addams Family live-action adaptation is coming to Netflix!     The upcoming series will tell the coming-of-age story of Wednesday Addams and her time at the Nevermore Academy.     Wednesday will be coming from Tim Burton, who will be making his TV directorial debut in this eight-part series, under the production of Netflix and […]

  • Ads January 6, 2022

  • ‘Libreng libing’ sa mga pamilyang P15,000 buwanang kita inihain sa Senado

    MABIGAT  para sa maraming pamilyang Pilipino ang mabuhay dahil sa kahirapan, pero mahirap din para sa kanila ang mamatay.     Ito ang gustong tugunan ngayon ni Sen. Raffy Tulfo sa kanyang Senate Bill 1695, bagay na layong magbigay ng libreng serbisyo ng pagpapalibing sa mga mahihirap na pamilyang nawawalan ng mahal sa buhay sa […]