• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Operasyon ng provincial buses, mas lalawak pa sa loob ng linggong ito

SINABI ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Martin Delgra na asahan nang mas lalawak pa ang operasyon ng mga provincial buses sa loob ng linggong ito.

 

Madaragdagan na kasi aniya ang mga ruta ng mga bus na bumabyahe patungo sa mga lalawigan.

 

Kabilang sa kanilang nakatakdang mabuksan ay ang provincial opera- tion na mula Metro manila Patungong Davao city O Vice versa.

 

Aniya, sa kanyang pakikipag- usap kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte ay pumayag na itong buksan ang syudad para sa mga biyaherong magmumula sa National Capital Region (NCR) basta’t matiyak lamang na masusunod ang mga minimum health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.

 

Aniya pa, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang mas marami pang ruta sa mga lalawigan ang mabuksan sa mga susunod na araw. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nakapagbulsa ng $22M investment mula sa mga “top companies” ng Indonesia

    NAKAPAGBULSA na si Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ng $22 million na investments kasunod ng kanyang mga pakikipagpulong sa mga nangungunang kompanya sa Indonesia para pataasin ang partnership sa animal health, artificial intelligence (AI), at digital connectivity.     Sa katunayan, nakipagpulong ang Pangulo sa mga top executives  sa mga kompanya sa Jakarta sa sidelines […]

  • Walang kalawang si Patong Patong

    MAY ilan ding buwang garahe sa karera ng mga kabayo ang stakes race campaigner na si Patong Patong na nirendahan ni JD Flores.   Pero hindi kinakitaan ng kalawang  ang dalawanang matikas na pamayagpagan ang Philippine Racing Commission o PHILRACOM Rating Based Handicap System 2020 nitong Linggo, Setyembre 6 sa Metro Manila Turn Club sa […]

  • Gen. Eleazar, bagong PNP chief

    Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Lt. Guillermo Eleazar bilang susunod na Philippine National Police chief kapalit ni outgoing PNP chief PGen Debold Sinas, na nakatakda nang magretiro sa Mayo 8, 2021.     “Eleazar is next Chief PNP,” pagkumpirma ni DILG Secretary Eduardo Año matapos aprubahan ng Pangulo ang appointment nito.     Sinabi […]