• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Operating hours ng MRT at LRT, gawing hanggang hatinggabi

HINIKAYAT ni Akbayan Party list Rep. Perci Cendaña ang Department of Transportation (DOTr) na ikunsidera ang pagpapalawig sa operasyon ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 hanggang hatinggabi mula sa kasalukuyang alas-10:30 ng gabi.

 

 

 

Ayon sa mambabatas, hindi na sapat ang kasalukuyang operating hours ng naturang mga mass transit lines para serbisyuhan ang libong pasahero na nagtatrabaho sa BPO at mga night shift na manggagawa sa Metro Manila.

 

 

Partikular na aniya ngayong panahon ng kapaskuhan na inaasahang lalo pang sisikip trapiko at pagdagsa ng mga commuters.

 

 

Dagdag pa aniya ang magiging benepisyo tulad ng kaligtasan sa mga pasahero sa pagpapalawig ng MRT at LRT operating hours.

 

 

“Kung nasa loob ka ng istasyon ng mga tren at least may security guards, well lighted ang stations, at may CCTV pa. Kung iextend pa natin ang operating hours ng ating mga mass transit lines mababawasan yung risks sa pagcommute sa gabi,” paliwanag nito.

 

 

Sa ngayon, ang LRT-1, LRT-2, at MRT-3 lines ay nagseserbisyo sa may 323,000, 140,000, at 357,000 pasahero. (Vina de Guzman )

Other News
  • PAOLO, inamin na may ‘herniated disc’ dahil nasa lahi nila

    SA Instagram account (@pochoy_29) ni Paolo Ballesteros, may isang netizen na nagtanong sa isa sa host ng Eat Bulaga sa kapansin-pansin na posture niya.     Comment ni @irmabaylen78, “Hi, Pao! I always watch eat bulaga. Stress reliever ko kayong lahat. Medyo bothered ako sayo Pao. Napansin ko kse yun likod mo. May scoliosis ka […]

  • OBRERONG DINAKIP SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN, WANTED

    NATUKLASAN may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition sa probinsya ng Pampanga ang isang 24-anyos na construction worker na inaresto dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner sa Malabon city.     Si Robel Busa ng 4th St. Brgy. Tañong ay nadakip dakong 8 ng gabi […]

  • Tiangco sa publiko; maging mapagbantay kontra “love scams”

    PINAALALAHANAN ni Navotas City Congressman Toby Tiangco ang publiko na manatiling mapagbantay laban sa “love scams.”     “Siyempre, sana all may love life pero ayaw natin na maloko lang ng pekeng pag-ibig ang mga kababayan natin. True love dapat ang mahanap nila, hindi kriminal,” ani Tiangco.     “Huwag po basta-basta magpadala sa damdamin. […]