Operators ng libreng sakay sa EDSA nanghihingi ng dagdag singil sa gobyerno
- Published on July 23, 2022
- by @peoplesbalita
NANGHIHINGI ng dagdag singil sa gobyerno ang mga operator ng bus sa EDSA carousel na nagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board kahapon.
Sinabi ni LTFRB chief Cheloy Garafil, dalawang consortia na tumatakbo sa EDSA runway ang umaalma para sa dagdag bayad ng kanilang libreng sakay sa gitna ng pagtaas ng presyo ng diesel.
“They are requesting for a rate adjustment. Gusto nila itaas nang kaunti para makapag-adjust sila sa gastos sa pagde-deploy ng mga buses,” sinabi ni Garafil sa isang interview sa ONE News.
Nabanggit din ng mga bus operators na ES Transport at Mega Manila na P80 na kada litro ang diesel.
Ayon kay Garafil, iminungkahi ng mga bus operators na itaas ang bayad sa kanila base sa layo ng pasada ng bawat bus.
Kamakailan lang, iginiit ng LTFRB na nagbayad na ang gobyerno ng P659 million sa mga bus operators para sa 10 linggo na libreng sakay sa EDSA.
Gumagastos ang gobyerno ng P74 million hanggang P79 million kada linggo para sa libreng sakay sa EDSA. (Daris Jose)
-
Sotto sinimulan na ang NBAGL training
NAKASAMA na ni Kai Zachary Sotto at mga kakampi sa National Basketball Association Gatorade League (NBAGL) Select Team para sa training camp sa nakatakdang magbukas sa taong ito na 19th NBA G League 2020-21 sa Amerika. Ipinost ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy cage phenom sa kanyang Instagram account na nasa Walnut Creek, […]
-
Ads May 16, 2024
-
Rizal Province, Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years!
Congratulations Rizal Province for being the Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years! Malugod ding pagbati sa Antipolo City na tinanghal sa pangatlong pagkakataon na Top 1 Most Competitive Component City in the Philippines at sa Cainta at Taytay bilang Top 1 at Top 2 Most Competitive Municipalities (first-second class) […]