Sotto sinimulan na ang NBAGL training
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
NAKASAMA na ni Kai Zachary Sotto at mga kakampi sa National Basketball Association Gatorade League (NBAGL) Select Team para sa training camp sa nakatakdang magbukas sa taong ito na 19th NBA G League 2020-21 sa Amerika.
Ipinost ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy cage phenom sa kanyang Instagram account na nasa Walnut Creek, California na siya noong Lunes. Gayundin ang mga teammate na sina Jalen Green, Jonathan Kuminga, Princepal Singh, Isaiah Todd, coach Brian Shaw, assistant coach Rasheed Abdul-Rahman, video coordinator Jerry Woods, at athletic trainer Pete Youngman.
“Beginning of a new chapter that’s about to be legendary,” caption ng tubong Las Piñas City sa isang litrato habang nakaupo.
Sa nakalipas na Marso pa dapat magbukas ang season ng USA developmental league, pero kinansela dahil sa COVID-19.
Inihayag muna ni Sotto sa Power and Play radio program ni dating Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Jose Emmanuel Eala na pangarap niyang mapabilang sa NBA All-Star Team at maging pinaktigasing sa manlalaro sa Asia.
“I envision myself to be an NBA All-Star. I would do everything I can to be an All-Star to prove that I am a great player and to represent Asia,” wika ng tinedyer na basketbolista .
Pinanapos niyang sinambit, “Five years from now, I want to be the best in Asia also – being a Pilipino – and represents the Philippines. That is the dream I have.” (REC)
-
Higit 800 barangays recipient sa P16.4-B Barangay Development Program ng gobyerno
NASA 822 barangays na dating NPA infested areas ang na- cleared na ngayon ng government forces ang recipient sa P16.44 Billion pondo na ilalaan ng gobyerno para sa Barangay Development Program (BDP). Ayon kay National Security Adviser, Sec. Hermogenes Esperon Jr. ang mga nasabing barangays ay mga dating lugar na target ng operasyon ng […]
-
“Walang Gutom 2027” ng DSWD, 1M mahihirap na pamilya ang makikinabang-DSWD
TINATAYANG 1 milyong benepisaryo ang inaasahan na makikinabang mula sa “Walang Gutom 2027” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layon ng inisyatibang ito ang paghusayin ang access ng food-poor families sa masustansyang pagkain. Sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ang bagong food stamp program ng departamento […]
-
Paghahanda ng ‘legal briefer’ ng DOJ ukol sa ICC warrants, standard procedure lang – Garafil
“THIS is standard procedure, not a change in position,” Ito ang tugon ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil sa ginagawang paghahanda ng Department of Justice’s (DOJ) na ‘legal briefer’ sa mga legal na opsyon na magagamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakaling maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay […]