Opisyal nang residente ng Spain ang family niya: BEA, three weeks na magbabakasyon kasama si DOMINIC sa iba’t ibang lugar
- Published on November 9, 2023
- by @peoplesbalita
SA Instagram ipinaabot ni Direk Mark Reyes ang ‘Congratulations!’ kay Kapuso Primetime Action Hero Ruru Madrid pagkatapos ng pilot telecast ng “Black Rider”.
“Nice to see you and Kylie Padilla together on screen again, See you both sa Lireo very soon for “Encantadia Chronicles: Sang-gre.” Hasne Evo Live Rama Ybrahim”
Sinagot din agad ito ni Ruru ng, “Mahal na Emre! Avisala Eshma po! Di na din ako makapaghintay na manumbalik sa mundo ng Encantadia.”
Offcially confirmed na palang babalik sa “Sang’gre” sina Amihan (Kylie) at Ybrahim (Ruru), kaya excited na rin ang kanilang mga fans. At matatandaan na ipinakilala na rin ng GMA Network ang mga bagong gaganap na Sang’gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Angel Guardian at Kelvin Miranda, na siyang mangangalaga sa mga bato.
Humanga naman ang mga viewers kay Ruru dahil sa mga stunts na ginawa niya sa “Black Rider.” Pinuri rin nila ang mabilis na phasing ng mga eksena.
Full trailer pa lamang nito ay umabot na sa 2.5 million views sa Facebook. Gabi-gabing napapanood ang “Black Rider” at 8 p.m. sa GMA-7 after ng “24 Oras.”
***
NAKABIBILIB naman na at her young age, marunong nang magpasalamat si Jillian Ward sa mga taong nangangalaga sa kanyang career.
Isang brand new car pala ang ineregalo niya sa handler niya sa Sparkle GMA Artist Center, bilang pagpapakita niya ng taos-puso niyang pasasalamat sa taong nag-aasikaso sa kanya, na itinuturing na rin niyang pamilya.
One of the prized possessions naman kasi si Jillian sa GMA na lead star ng “Abot-Kamay ng Pangarap” na nagsimulang mapanood sa hapon since September 5, 2022 at balitang matatagalan pa ang pagtatapos nito hanggang sa 2024.
Bukod sa afternoon series, may dalawa pa palang movies siyang gagawin, one with Senator Bong Revilla, Jr. na balitang malapit nang simulan ang shooting.
Ang isa pa ay pagsasamahan nila ng kapwa niya dating child star na si Zaijian Jaranilla na naka-schedule nilang gagawin sa 2024.
Dahil sa success ng “Abot-Kamay na Pangarap,” #FeelingBlessed Ngayong Pasko ang mga global Pinoy sa Japan dahil makakasama nila ang cast ng top-rating drama show this December.
Magaganap ito sa “Ang Saya-Saya ng Pasko,” sa Angel Park, Nagoya, Japan, sa December 16-17, na dadaluhan nina Carmina Villarroel, Richard Yap, Ken Chan at Jillian.
Hindi lamang iyon, ayon kay Carmina, magti-taping sila ng ilang eksena para sa serye sa Japan.
***
TAMANG-TAMANG patapos na ang taping ng GMA Primetime series na “Love Before Sunrise” nina Bea Alonzo at Dennis Trillo, nang dumating ang balitang opisyal nang residente ng Spain si Bea at ang family niya.
Ibinalita ito ni Bea sa kanyang YouTube vlog at ibinalita rin niyang three weeks silang magbabakasyon ng boyfriend na si Dominic Roque at lilibutin nila ang iba’t ibang lugar sa Italy, Switzerland at Spain.
Makukuha na rin daw niya ang kanyang residency card na nagsasabing official resident na sila ng Spain at maninirahan na siya ng Spain at matitirahan na niya ang bahay na nabili niya roon na nagkakahalaga ng 500,000 euros or P30 million sa Madrid, Spain.
Ang “Love Before Sunrise” ay napapanood gabi-gabi, 8:50 p.m. sa pagkatapos ng “Black Rider.”
(NORA V. CALDERON)
-
PBBM, tinintahan ang CREATE MORE bill para makahikayat ng mas maraming investments
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Nobyembre 11, ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act para i-promote ang Pilipinas bilang pangunahing investment destination. Ang CREATE MORE Act o Republic Act (RA) 12066, nilagdaan ni Pangulong Marcos sa isang seremonya […]
-
PBBM, itinalaga si Police Maj. Gen. Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 PNP Chief
PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 Hepe ng Philippine National Police (PNP). Pinalitan ni Marbil si Police General Benjamin Acorda Jr. na nagtapos ang termino dahil sa kanyang pagreretiro kahapon, araw ng linggo, Marso 31, 2024. “Police Major General Rommel Francisco […]
-
Luke 1:28
Hail, full of grace.