• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Opisyal ng DepEd, kinumpirma ang memo sa pag-alis ng ‘Diktadurang Marcos’

KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd)  ang umiiral  at umiikot na memo sa social media na nagbibigay atas na baguhin ang “Diktadurang Marcos” at gawin na lamang “diktadura” na matatagpuan sa Grade 6 Araling Panlipunan curriculum.

 

 

“I confirm that indeed there was a letter that was sent to the Office of Undersecretary for Curriculum and Teaching. This was made by our Bureau of Curriculum Development (BCD) specialist. This was submitted to my office and forwarded to the Office of Undersecretary for Curriculum and Teaching,” ayon kay  DepEd Bureau of Curriculum at Teaching director Joyce Andaya.

 

 

“That’s part of our internal processes. Our BCD specialist can really express themselves, and we respect their stand on curricular issues,” dagdag na wika nito.

 

 

Gayunman, nilinaw ni Andaya na ang memo ay mananatiling sasailalim sa vetting process sa  panahon ng  pilot implementation ng  revised K-10 curriculum  ngayong taon.

 

 

Ang paliwanag nito, ang curriculum review process ay “iterative.”  dahilan upang hanggang ngayon ay wala pa ring nabubuong consensus ang DepEd  sa kung ano ang dapat na makita sa pinal na curriculum document  na ia-upload sa  official website nito.

 

 

“Meron pa rin tayong pagkakataon na tingnan ulit ang curriculum ng ating mga nag-aaral, ng ating mga guro, at ng iba nating kasamahan sa education sector at kung merong mga changes or mga comments tungkol dito, susuriin po ulit natin,” ayon kay Andaya.

 

 

Ani Andaya, nais lamang ng BCD na mag-organisa ng  curriculum guide, at maaari pa ring mapag-usapan ang mga paksa na may kinalaman sa martial law period, partikular na ang pagpapatupad ng diktadura ni  dating Pangulong  Ferdinand Marcos Sr.

 

 

Pinabulaanan din ni Andaya na may intensyon para sa “historical revisionism o i-whitewash ang katotohanan na nangyari noong martial law era.

 

 

“Ang pag-uusapan dito ay deklarasyon ng batas militar, pagpapatupad ng diktadura, epekto ng diktadura, pagkawala ng mga institusyong demokratiko, malayang lehislatura, paghina ng ekonomiya, paglabag sa karapatang pantao, ill gotten wealth, paglaban sa diktadura, mga kilos laban sa diktadura, at pagpaslang kay Ninoy Aquino,” ayon kay Andaya.

 

 

“Hindi maaaring hindi banggitin ang pangalang Ferdinand Marcos Sr. sa pagtalakay ng paksa ukol sa diktadura,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, wala namang  political pressure mula sa kasalukuyang administrasyon  para irekumenda ang pag-alis o pagtatanggal ng pangalang “Marcos” mula sa  “diktadurang Marcos” sa  Araling Panlipunan subject sa ilalim ng revised K-10 curriculum.

 

 

Binigyang-diin ni Andaya  na ang pagtanggal o pagbabago sa ‘nomenclature’  ay “purely an academic discussion.”

 

 

“Wala pong pressure na kahit na ano na binigay sa amin para tignang muli ang curriculum. Ito ay isang proseso na aming pinapatupad dito sa Curriculum and Teaching strand. It is an academic discourse that we always observe and follow as we review and revise the curriculum,” ani Andaya.

 

 

Sa ulat, tinuligsa ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at  Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) ang pagtatanggal ng  pangalang ‘Marcos’ mula sa  terminong “Diktadurang Marcos.” (Daris Jose)

Other News
  • Azkals, handang-handa para sa AFF Suzuki Cup

    Tiniyak ng Philippine Azkals na patuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa 2020 AFF Suzuki Cup. Ito ang pagtitiyak ni Azkals team manager Dan Palami kahit na aminado itong naapektuhan sila sa coronavirus pandemic. Sinabi nito na base sa kaniyang pakikipag-usap sa mga manlalaro ay nakatuon pa rin sa isip nila ang manalo sa […]

  • Jawo, 9 iba pa iluluklok sa Philippines Sports Hall of Fame

    Pamumunuan ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski ang siyam pang sports heroes ng bansa sa pormal na pagluluklok sa kanila sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa Linggo sa isang digital ceremony.     Kasama rin sa fourth batch ng mga inductees sina football great Paulino Alcantara, swimmer Eric Buhain, track and field star Elma […]

  • Pag-usbong ng mas maraming Kadiwa market, ‘di imposible – Department of Trade and Industry

    MALAKI umano ang tiyansa na lalago pa ang Kadiwa market sa bansa.     Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino, kasunod na rin ito ng personal na pagkakasaksi nito sa naturang programa.     Ginawa ang pahayag matapos ang matagumpay na inilunsad na Kadiwa ng Pasko kahapon sa iba’t […]