Opisyal ng PSC Chairman si Dickie Bachmann
- Published on January 17, 2023
- by @peoplesbalita
PATULOY na susulong ang pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng bagong hinirang na chairman na si Richard Bachmann.
Sa simpleng turnover ceremony na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila kahapon, pormal nang ipinasa ni dating PSC chief Jose Emmanuel “Noli” Eala ang PSC chairmanship kay Bachmann, dahil ganap na tinanggap ng huli ang hamon bilang bagong pinuno ng nasabing ahensiya.
Ipinahayag ni Bachmann ang kanyang pasasalamat sa kanyang hinalinhan na nagsilbing ika-11 chairman ng komisyon at nanguna sa matagumpay na pagbabalik ng Batang Pinoy National Championships grassroots program sa face-to-face competition noong 2022.
“I would like to thank and honor former Chairman Noli Eala for his service and dedication to support our National Sports Associations and national athletes. I look forward to learning more about the programs that are in the pipeline, as well as those that are already being implemented,” ani Bachmann.
Gayundin, pinasalamatan ni Eala si Bachmann sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong ibahagi ang kanyang kaalaman na natamo sa panunungkulan bilang PSC chairman. Tiniyak niya sa bagong pinuno ng ahensiya ang kanyang buong suporta.
Pinasalamatan din ni Bachmann ang PSC workforce na patuloy na gumaganap ng mahalagang bahagi sa pangkalahatang papel ng ahensiya sa Philippine sports, habang ipinagdiriwang ng PSC ang ika-33 anibersaryo nito ngayong buwan.
Ang PSC ay itinatag bilang pambansang ahensiya ng palakasan sa bisa ng Republic Act 6847 noong Enero 24, 1990, na pinalitan ang Project Gintong Alay. (CARD)
-
Huwag i-recycle ang mga talunang kandidato noong May 2022 elections
ITO ANG apela ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kay Presidente Bongbong Marcos kasunod na rin sa pagtatapos ng one-year ban sa appointment ng natalong kandidato. Ayon sa mambabatas, sa pagtatalaga ng pangulo ng mga bagong opisyal sa mga bakanteng posisyon ay hindi dapat dahil sa natapos na ang one-year appointment […]
-
Confidential funds, nakalaan para sa national firewall, expert training- DICT
GAGAMITIN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang confidential funds nito para maglagay ng firewall at sanayin ang cybersecurity experts. Muli kasing inilaan ng House panel ang P300 million sa confidential funds sa panukalang budget ng DICT sa intelligence agencies. Mananatili namang inilaan ng DICT ang P25 million mula alokasyon para […]
-
Bagong utang ng Pinas, aprubado ng World Bank
INAPRUBAHAN ng World Bank (WB) ang $178.1-million o ₱9.7 bilyong pisong loan o bagong utang ng Pilipinas na naglalayong palakasin ang pagsisikap nito laban sa malnutrisyon, isang linggo bago pa bumaba sa kanyang tanggapan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang “fresh credit” ay para sa Philippine Multisectoral Nutrition Project, na susuporta sa probisyon […]