Opisyales ng DOTr at LTO maaaring kasuhan ng plunder
- Published on March 24, 2021
- by @peoplesbalita
Maaaring makasuhan ang mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) dahil sa alegasyon ng maanomalyang pagbili ng vehicle license plates.
Ayon kay Sen. Richard Gordon ng Senate Blue Ribbon committee na siyang head na sila ay patuloy na kumakalap ng mga sapat na ebidensiya upang magbigay sila ng rekomendasyon upang sila ay maghain ng plunder complaints.
Subalit sa mga nakaraang hearings na ginawa ng committee sa mga katiwaliang pangyayari sa dalawang ahensiya lumalabas na may sapat na ebidensiya upang makasuhan ng heinous crime ang mga nasabing opisyales.
“The act of making people suffer- whoever causes damage to third parties and other agencies that violates anti-graft law. Now, since a huge amount of money is involved, they may be liable for plunder. That’s what we’re looking at now,” wika ni Gordon.
Ang plunder ay isang non-bailable offense simula sa P50 million.
Dagdag pa ni Gordon na ang mga opisyales mula sa dating admistrasyon ng Aquino at ang mga kasalukuyan opisyales ng DOTr at LTO na nakagawa ng ibat-ibang paglabag sa batas simula noong 2013 nang ang DOTr ay nagsimulang gumawa ng bidding para sa pagbili ng license plates ng walang appropriation ay maaring makasuhan ng plunder.
Ang dating transportation secretary na si Joseph Emilio Abaya at undersecretary ng legal affairs na si Jose Perpetuo Lotilla ang silang lumagda sa multi-year contract para sa joint venture PPI-JKG ng hindi muna kumuha ng Multi-Year Obligational Authority mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Tinawag ng Commission on Audit ang transaksyon na “irregular at illegal” at hindi rin pinapayagan ang advanced payment na ginawa sa PPI-JKG na nagkakahalaga ng P478 million.
Dahil dito ang Supreme Court ay nag issue ng isang restraining order na siyang nagpahinto sa pagagawa ng mga plates ng mga motor vehicles at motorcycles noong 2016.
“PPI-JKG then could not deliver their vehicle plates because another supplier Trojan to whom LTO consistently awarded the contracts for the supply of license plates since 2018 had monopolized LTO’s Order Management System and the digital signature, which is important feature of the new plates,’ dagdag ni Gordon.
Hanggang sa lalo nang maantala ang paggagawa ng mga license plates na tumagal na ng tatlong taon hanggang sa pumasok na ang bagong administrasyon. Patuloy pa rin na humihingi ang mga motorista ng kanilang mga plates. Kung kaya’t sinisi ni Gordon ang DOTr at LTO. (LASACMAR)
-
PDU30, tuluyan nang tinuldukan ang E-sabong
TULUYAN nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang E-sabong kasunod ng reKOmendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año. “The recommendation of Sec. Año is to do away with e-sabong,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes. “And I agree with it, E-sabong will end by […]
-
Pansamantalang sususpindehin ng mga MM Mayors ang confiscation ng mga erring drivers
NAGKASUNDO ang mga Metro Manila mayors na suspindehin pansamantala ang confiscation ng mga drivers’ licenses ng mga erring drivers at motorists upang bigyan daan ang pagtatatag ng single ticketing system sa kalakhang Maynila Pumayag sila sa hiling ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos na magpatupad muna ng moratorium sa confiscation […]
-
Makipag-ugnayan, maghanda para sa La Niña
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs) sa Maguindanao province na makipag-ugnayan at maghanda para sa La Niña phenomenon. Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa Maguindanao del Sur, sinabi ng Punong Ehekutibo […]