• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oplan Pag-Abot ng DSWD, napanatiling ligtas ang 1,461 katao mula sa panganib sa lansangan

NAPANATILI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng  Oplan Pag-Abot nito,  ang 1,461  katao, na nakatira noon sa lansangan sa Kalakhang Maynila na ligtas mula sa panganib sa lansangan.

 

 

“As of Dec. 18,” ang  Oplan Pag-Abot na inilunsad noong Hulyo, umabot sa  871 miyembro ng pamilya at 590 unattached individuals, kabilang na ang mga bata at senior citizens, mula sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary for Legislative Affairs Irene Dumlao na 189  ng mga indibiduwal ang nabigyan ng tulong sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program, habang 446 ang tinulungan sa pamamagitan ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program (BP2).

 

 

Sa  1,461 reached-out individuals, 878 ang ni-refer sa  kani-kanilang  local government units (LGUs) para sa angkop na interbensyon habang natitirang 583 ay kasalukuyang pinagkakalooban ng temporary residential care sa DSWD-run Centers and Residential Care Facilities.

 

 

“The social workers continue to roam around Metro Manila to ensure that the families and individuals on the streets will be convinced to come with us,” ayon kay Dumlao.

 

 

Ani Dumlao, mahigit sa  1,500 individuals ay ‘profiled’ sa pamamagitan ng environment scanning activities na isinagawa ng  social workers bago pa ang aktuwal na reach-out operations.

 

 

“Profiling is important to identify the areas that these families are seen more frequently,” ayon kay Dumlao.

 

 

Ngayong holiday season, pinalakas ng DSWD implementasyon ng proyekto sa pamamagitan ng  Oplan Pag-Abot sa Pasko para makaabot sa mas maraming pamilya at indibiduwal na dumagsa sa lansangan para mamalimos ngayong panahon.

 

 

Ang Oplan Pag-Abot ay kabilang sa  flagship programs ng DSWD, sa ilalim ng liderato ni Secretary Rex Gatchalian, para tumulong, suportahan at protektahan ang bawat indibiduwal at pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na interbensyon. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Outstanding Asian Star Prize’ sa 17th SDA: BELLE, tinalo si DONNY at mga kapwa-ABS-CBN artists

    WE don’t say no to our mentors, lalo na kung ang mentor is someone like Chito S. Rono.   Kaya sure kami na yes agad ang naging sagot ng award-winning actor na si Christian Bables kay direk Chito nang alukin siya to play a role sa ABS-CBN remake ng classic Pinoy superhero character na si […]

  • Drugstores, pharmacies at hospitals, kailangang maglagay ng maximum retail price sa mga gamot – DoH

    Aabot umano sa pitong milyong Pinoy ang makikinabang sa bagong pirmang Executive Order (EO) No. 104 kaugnay ng Maximum Drug Retail Price (MDRP) sa mga gamot.   Sa EO na kapipirma ni Pangulong Rodrigo Duterte, mababawasan ng halos 58 percent ang retail prices ng nasa 87 high cost medicines.   Dahil dito, agad daw mag-iisyu […]

  • Volleyball stars nagbigay pugay kay Michele Gumabao sa pag-3rd place sa Miss U Phils

    BINATI ng volleyball community ang beauty queen na si Michele Gumabao na dating isa sa stars noon sa UAAP.   Kung maalala marami ring pinahanga si Gumabao na pumuwesto sa ikatlo sa ginanap na Miss Universe Philippines sa Baguio City nitong nakalipas na Linggo.   Isa sa bumati sa kanya ay ang dating teammate sa […]