OPM Icon na si Claire, pumanaw na dahil sa cardiac arrest
- Published on March 31, 2021
- by @peoplesbalita
NAGLULUKSA ang mga OPM artist sa pagpanaw ng kinilalang “The Karen Carpenter of the Philippines” na si Claire dela Fuente.
Cardiac arrest ang dahilan ng pamamaalam ni Claire nitong March 30 sa edad na 62.
Isa sa maituturing na OPM icon si Claire dahil sa mga sumikat niyang mga awitin noong ‘70s and ‘80s tulad ng Sayang,” “Nakaw na Pag-Ibig” and “Minsan, Minsan.” Nabigyan din si Claire ng titulong “Asia’s Sweetest Voice” at “Queen of Tagalog Songs”.
Tinanghal ding Jukebox Queen si Claire at ang mga kasabayan niyang sina Imelda Papin, Eva Eugenio at Didith Reyes.
Nadiskubre si Claire sa edad na 15 noong manalo siya ng grand prize sa isang singing contest. Ang head ng judges na si George Canseco ang nagbigay ng unang break ni Claire sa pag-awit ng commercial jingle ng Hope.
Kinasal si Claire sa businessman na si Moises “Boy” de Guzman noong 1978 at meron silang dalawang anak na sina Gigo at Mickey. Pumanaw si Boy noong 2006 dahil sa sakit na cancer.
In 1993, pinasok ni Claire ang transportation business sa pamamagitan ng King of Kings Transport. Naging president si Claire ng Integrated Metropolitan Bus Operators Association (IMBOA) noong 1999. At pinag-aralan niya ang transport management sa PUP noong 2003.
Naging successful na businesswoman din si Claire. Nagkaroon siya ng restaurants at cosmetic business. Nagtapos siya ng Masters in Business Administration at the University of Western Australia in 2005.
Huling recording ni Claire ay noong 2010 with Michael Bolton sa duet ng “The Christmas Song”. Ni-release ito sa kanyang Christmas album under Viva Records.
***
NABUHAY ang fans nila Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix dahil sa pagsasamahan nilang episode sa hit mini-series na I Can See You: #Future.
Kinagiliwan ng KyGuel fans ang photo ng dalawa na nakahiga at magkayap. Tinawag ng fans ang picture na “burger” dahil nakasuot si Miguel ng burger costume habang yakap si Kyline.
Napagkatuwaan na rin ng fans na gumawa ng Twitter account na pinangalanan nilang “Burger” na kung saan ay nagpu-post sila ng mga updates tungkol kina Miguel at Kyline.
Sa isang virtual interview, tinanong si Kyline tungkol sa “burger” photo nila ni Miguel.
Sagot ni Kyline: “‘Yong eksena na ‘yan mapapanood n’yo ‘yan sa medyo dulo-dulo part so dapat n’yo talagang tutukan ‘yang eksena na ‘yan. Lahat nung nasa set nung time na ‘yon sobrang kinilig sa nangyari sa eksena na yon.”
Mapapanood na ang I Can See You: #Future sa April 5. (RUEL J. MENDOZA)
-
Janiik Sinner nagkampeon sa US Open
NAGKAMPEON si world number 1 tennis player Jannik Sinner sa US Open. Tinalo ng Italian tennis star si American tennis player Taylor Fritz sa score na 6-3, 6-4, 7-5 sa laro na ginanap sa Arthur Ashe Stadium. Ang world number 12 na si Fritz ay target na maging unang American na […]
-
JED, sobrang nakaka-relate sa pinagdaanan ng ‘BTS’ bago sila naging global superstars; nakaranas din ng anxiety attacks
NAGING open ang singer na si Jed Madela tungkol sa naranasan niyang anxiety noong magkaroon ng COVID-19 pandemic. Sa naging panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz, kinuwestiyon ni Jed ang sarili kung hinahanap-hanap pa ba siya ng maraming tao at kung may career pa ba siyang puwedeng matawag? “Ang daming […]
-
‘Mga detalye ng nilulutong Mikey Garcia-Pacquiao bout, malalaman sa mga susunod na araw’
Inaasahan umanong malalaman na sa mga susunod na araw ang detalye ng pinaplantsang bakbakan sa pagitan nina American welterweight contender Mikey Garcia at Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao. Ayon kay Garcia, posibleng ilabas na raw sa mga susunod na araw ang petsa at lokasyon ng magiging laban nila ng Fighting Senator. […]