• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’- Bong Go

Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakaila­ngan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapa­lakas ang vaccine rollout.

 

 

Sinabi ni Go na kapag nabakunahan na ang la­hat ng vulnerable sa COVID-19, partikular ang front­liners, senior citizens at may mga comorbidities, uusad na ang gobyerno sa pagbabakuna naman sa iba pang essential sectors at indigents sa vaccine rollout.

 

 

Ayon sa senador, ang pagbabakuna sa priority­ sectors ay makatutulong para mapalakas ang tiwala ng publiko at maialis ang takot o pangamba ng general population sa kaligtasan at efficacy ng vaccines.

 

 

“Sa mga Local Chief Executives, since pinayagan na pong bakunahan sila, ako po ay nananawagan po sa inyo na magpa­bakuna na rin po kayo para po maging halimbawa at sundin po kayo ng ating mga kababayan na huwag pong katakutan ang bakuna,” iginiit ni Go.

 

 

Bukod sa LCEs, iginiit din ni Go sa frontline workers na magpabakuna laban sa COVID-19 para masigurong protektado na sila laban sa virus.

 

 

Muli ring tiniyak ng mambabatas na prayoridad niya ang Bayanihan 3 o kung ano ang makatu­tulong sa ating mga kaba­bayan na ayuda.

Other News
  • M. Night Shyamalan’s “Knock At The Cabin” in Cinemas February 1

    FROM visionary filmmaker M. Night Shyamalan, “Knock at the Cabin” takes adopted child Wen (played by newcomer Kristen Cui) with her gay parents Andrew (Jonathan Groff) and Eric (Ben Aldridge) at a remote cabin for a vacation where they soon encounter the most frightening moments of their lives.     Not long before they’ve arrived […]

  • Liza, pinaniniwalaan ni Herbert sa mga adbokasiya niya

    KAHIT ang dating Mayor ng Quezon City at actor na si Herbert Bautista ay nagbigay ng kanyang pahayag sa ginagawang red tagging kay Liza Soberano.   Sa pamamagitan ng manager ni Liza na si Ogie Diaz ay ipinaabot nito ang kanyang saloobin sa nangyayari.   Dahil hindi ma-socmed si Herbert kaya pinaabot na lang niya. […]

  • OPISYALES SA ‘pastillas modus’, sibak kay digong

    SINIBAK ni Pangulong Duterte ang lahat ng opisyal at empleyado na sangkot sa pinakabagong iskandalo sa Bureau of Immigration (BI) kung saan pinapayagang makapasok ang mga Chinese national kapalit ng “pastillas” bribery scheme ilang libong piso.   Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na itinuturing ni Duterte na napakagrabe at […]