OPS, tiniyak ang patuloy na serbisyo gamit ang aprubadong 2023 budget
- Published on November 15, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG nang pasasalamat ang Office of the Press Secretary (OPS) sa Senado sa pag-apruba sa panukalang P1.04 billion budget para sa taong 2023.
Sa Facebook post, pinasalamatan ng OPS ang Kongreso para sa pagsisikap nito na tiyakin ang maayos at mabilis na pagkakapasa ng panukalang 2023 national budget upang makayanan ng administrasyong Marcos na makapagbigay ng “better services” sa mga Filipino.
“Nagpapasalamat ang buong OPS sa House of Representatives at Senate of the Philippines para sa tuloy-tuloy na serbisyo para sa sambayanang Pilipino,” ayon sa FB post ng OPS.
Buwan ng Setyembre nang aprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang budget ng OPS habang ibinigay naman ng Senado ang matamis nitong “Oo”, araw ng Huwebes.
Sina OPS Undersecretaries Maria Pedroche, Eugene Henry Rodriguez, Edwin Cordevilla, Rowena Reformina, at Marlon Purificacion ang mga dumalo sa deliberasyon ng panukalang budget.
“Dumalo sa naturang hearing ang mga opisyal ng OPS at personal na nagpasalamat sa mga senador kabilang ang pangunahing sponsor ng proposed budget ng OPS na si Senador JV Ejercito,” ayon sa OPS.
Sa ilalim ng 2023 spending plan, ang OPS ay makakakuha ng kabuuang appropriation na P623.196 bilyong piso, o mahigit sa kalahati ng nasabing panukala.
Ang P623.196 bilyong piso ay ibibigay sa attached agencies and corporations ng OPS, kabilang na rito ang APO Production Unit, Bureau of Broadcast Services, Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC), National Printing Office, News and Information Bureau, at People’s Television Network.
Sa kabilang dako, sinabi ng OPS na tuwang-tuwa ito nang aprubahan ng Senado ang panukalang P619.53 milyong budget para sa IBC.
“The lingering problem, which has been swept under the rug through the years, the unpaid retirement benefits of retirees from 2009 up to 2023 which amounted to P490 million,” ayon kay Ejercito sa pagdepensa sa nasabing budget. (Daris Jose)
-
Vice Mayor Yul Servo Nieto Meets Working Group for the Manila Film Festival
MANILA Vice Mayor Yul Servo Nieto met the technical working group of The Manila Film Festival (TMFF) recently, to discuss the preparations for its upcoming launch during the Araw ng Maynila celebration in June this year. The February 23, 2023 meeting that was held at the Vice Mayor’s office discussed, among other matters, […]
-
VP Sara, wala pang kapalit bilang Kalihim ng DepEd-Garafil
WALA pa ring napipisil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magiging kapalit ni Vice President Sara Duterte na nagbitiw sa tungkulin bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd). Sa isang text message sa mga mamamahayag, sinabi ni Communications Secretary Cheloy Garafil na wala pang maitalaga si Pangulong Marcos na tatayong officer-in-charge (OIC) na […]
-
CHR, handang makipagtulungan sa ICC ukol sa imbestigasyon sa drug war sa Pinas
HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Gayunman, wala namang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC. […]