Order na bakuna na Astrazeneca ng mga LGU, sa isang taon pa darating
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na din ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca.
Sa 2022 pa ani Roque ang dating ng karamihan sa delivery ng mga LGU na tatak Astrazeneca na maaari namang hintayin ng mga kababayan kung kanilang gugustuhin.
Ngayong Hulyo ay may darating din naman na suplay subalit suwerte na kung may makuhang kaunting bilang nito.
“Naku po talaga po, suwerte na tayo kung makakuha tayo ng kaunting supply ng AstraZeneca sa July, pero karamihan po ng deliver ng AstraZeneca ay 2022 pa. Kung kayo naman po ay malusog at handang mag-hintay, pupuwede po iyon. In fact, karamihan nang delivery sa mga LGUS, 2022 pa po iyon,” ani Sec. Roque.
Kaya nga ang paalala ni Sec. Roque, mas maiging hanggat maaga ay makabubuting magkaruon na ng proteksiyon lalo na’t may bagong variant na ng COVID 19.
Aniya pa, mayorya ng LGU dito sa Kalakhang Maynila ay lumagda na ng agreement sa nasabing British-Swedish pharmaceutical firm gayundin ang pamahalaan ng Antipolo, Baguio, Dagupan, Vigan, Bacolod, Iloilo at Ormoc.
“Ang pagbababala po natin, eh isipin po ninyo ay mayroong new variant na mas nakakahawa. Bagama’t ito nga po daw ay hindi mas seryoso kaysa sa ordinaryong variant, hindi po natin masasabi. Kaya kung ako kayo, walang palitan ay magpabakuna na ano, dahil mas mabuti na iyong may proteksiyon kaysa doon sa wala,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Truck driver na nakapatay sa mag-ina, inaming nakagamit ng droga
Patay ang isang vendor ng pakwan at ang sanggol niyang anak, habang 12 ang sugatan nang araruhin ng isang truck ang tatlong sasakyan at isang tindahan sa Quirino Highway sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan, kamakalawa. Ayon sa imbestigasyon ng San Jose Del Monte Police, nawalan umano ng kontrol sa manibela […]
-
ANG SIKRETO NG BUMABALONG NA PERA, IBUBUNYAG!
Sino nga ba sa atin ang hindi may gusto na magkaroon ng unlimited cash? Ngunit, ano nga ba ang susi para bumalong ang kuwarta sa iyo? Magtrabaho ka at i-manage mong mabuti ang pera mo. Huwag waldas. Pero maliban rito, may ilang llife hacks akong ituturo kung paano hindi mawawalan ng laman ang […]
-
Meet the Pawsome Characters of “The Garfield Movie”
MEET the pawsome characters of The Garfield Movie, starring Chris Pratt. Discover the hilarious and heartwarming adventures of Garfield, Jon, Odie, and more. In cinemas May 29 Get ready to embark on an exciting adventure with Garfield in the all-new, all-animated “The Garfield Movie“! Opening in cinemas on May 29, this film promises […]