• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Order na bakuna na Astrazeneca ng mga LGU, sa isang taon pa darating

SINABI ng Malakanyang na posibleng sa isang taon pa darating ang bultong order ng pamahalaan na UK made vaccine na Astrazeneca.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng inisyatibo ng maraming lokal na pamahalaan na pondohan na din ang pag-angkat ng bakuna na karamihan sa preferred brand ay Astrazeneca.

Sa 2022 pa ani Roque ang dating ng karamihan sa delivery ng mga LGU na tatak Astrazeneca na maaari namang hintayin ng mga kababayan kung kanilang gugustuhin.

Ngayong Hulyo ay may darating din naman na suplay subalit suwerte na kung may makuhang kaunting bilang nito.

“Naku po talaga po, suwerte na tayo kung makakuha tayo ng kaunting supply ng AstraZeneca sa July, pero karamihan po ng deliver ng AstraZeneca ay 2022 pa. Kung kayo naman po ay malusog at handang mag-hintay, pupuwede po iyon. In fact, karamihan nang delivery sa mga LGUS, 2022 pa po iyon,” ani Sec. Roque.

 

Kaya nga ang paalala ni Sec. Roque, mas maiging hanggat maaga ay makabubuting magkaruon na ng proteksiyon lalo na’t may bagong variant na ng COVID 19.

 

Aniya pa, mayorya ng LGU dito sa Kalakhang Maynila ay lumagda na ng agreement sa nasabing British-Swedish pharmaceutical firm gayundin ang pamahalaan ng Antipolo, Baguio, Dagupan, Vigan, Bacolod, Iloilo at Ormoc.

 

“Ang pagbababala po natin, eh isipin po ninyo ay mayroong new variant na mas nakakahawa. Bagama’t ito nga po daw ay hindi mas seryoso kaysa sa ordinaryong variant, hindi po natin masasabi. Kaya kung ako kayo, walang palitan ay magpabakuna na ano, dahil mas mabuti na iyong may proteksiyon kaysa doon sa wala,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Gilas hinihintay pa ang approval ng IATF para sa kanilang bubble training

    HINIHINTAY pa ng Gilas Pilipinas ang go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Disease na payagan silang magsagawa ng bubble training camp sa Calamba, Laguna sa buwan ng Nobyembre.   Ito ay bilang paghahanda sa pagsabak nila sa FIBA Asia Cup Qualifiers. Kahalintulad din ito ng ginawa ng TNT Tropang Giga bago ang […]

  • KARLA, nababatikos dahil sa desisyong tumakbo na party-list representative ng partidong bumoto laban sa ABS-CBN

    HINDI namin talaga maintindihan kung bakit tumakbo na party–list representative si Karla Estrada sa partidong ang representative ay bumoto against sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.     Parang adding insult to injury naman ang ginawa ni Karla. Pinasikat ng ABS-CBN ang kanyang anak na si Daniel Padilla at binigyan din siya ng regular program […]

  • Pakikiramay sa pagpanaw ni dating Mayor Danilo “Danny” Lacuna

    INIHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagpanaw ng kanyang ama na si dating Mayor Danilo “Danny” Lacuna, Linggo ng umaga, Agosto 13, 2023, sa edad na 85.     Sa social media post ng pamilya Lacuna sa pamamagitan ni Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang panganay sa limang anak ni dating Bise Alkalde, Danny Lacuna, namayapa […]