ORDINANSA NA TUTUGON SA PROBLEMA NG MALNUTRISYON SA MGA BATA SA MAYNILA, NASA IKATLONG PAGBASA NA
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
IPINASA ng Konseho ng Lungsod ng Maynila sa Ikatlong Pagbasa ang lokal na bersyon ng Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act na naglalayong tugunan ang problema ng malnutrisyon sa mga bata sa isinagawang regular na sesyon nitong Mayo 25.
Ang panukala, na tatawaging Masustansyang Pagkain para sa Batang Maynila Ordinance, ay magtatatag ng Manila City Local Feeding Program sa mga daycare center at pampublikong paaralan, na nagbibigay ng hindi bababa sa isang fortified meal araw-araw, sa loob ng 120 araw o higit pa bawat taon, sa mga batang kulang sa nutrisyon.
Ang programa ay popondohan sa bahagi ng Special Education Fund ng lungsod at ipatutupad ng Manila Department of Social Welfare, sa pakikipag-ugnayan sa City Health Department at mga ahensya ng pambansang pamahalaan, partikular na ang Department of Education at Department of Social Welfare and Development.
“Giving good nutrition to a child early in life is essential to his or her future health”, paliwanag ni 4th District Councilor Louisito “Doc Louie” Chua, punong may-akda ng Ordinansa.
“Most children eat just to satisfy their hunger, without proper regard to their food’s nutritional value”, dagdag pa ni Chua, na isang medikal na doktor ayon sa propesyon.
Nabatid na marami sa karaniwang sakit ngayon, tulad ng labis na katabaan, ay nauugnay sa malnutrisyon. Ang mga bata ay nasa mas malaking panganib ng malnutrisyon, dahil mayroon silang mas malaking pangangailangan sa nutrisyon kaysa sa mga matatanda.
Suportado naman ng iba pang konsehal ang panukalang pangkalusugan kung saan ibinahagi pa ng ilan ang kanilang mga masasayang alaala sa mga feeding program na nakinabang nila noong bata pa sila. Isa sa mga nakaalala nito ay si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto kung saan maging siya ay nabenipisyuhan ng nutribun at gatas noong nasa grade school pa lamang ito.
Ang programa ay inaasahang magiging bahagi ng kampanya ni Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na magbigay ng tulong sa mga mahihirap na residente ng Maynila. (JAY REYES)
-
PUGANTENG KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Korean national na tinangkang lumabas ng bansa, Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. kinilala ang naaresto na si Ko Daeyun, 31 sa NAIA 3 terminal noong April […]
-
Fernando, nagpaalala na umiwas sa paglusong sa baha na posibleng magdala ng Leptospirosis
LUNGSOD NG MALOLOS– Bukod sa COVID-19 at Dengue, mariing ipinaalala ni Gob. Daniel R. Fernando sa publiko na iwasan ang paglangoy, paliligo at paglusong sa baha o gumamit ng proteksyon kung hindi maiiwasang ma-expose sa tubig na posibleng kontaminado ng Leptospirosis. “Lahat ng sakit na meron tayong magagawa talaga para maiwasan, iwasan na […]
-
GARY, hinihiling na ipagdasal na hindi mahawa sa Covid-19; ANGELI, tanggap na nag-positive ‘wag lang ang asawa
NAGPASALAMAT si Angeli Pangilinan-Valenciano sa mga nag-wish sa kanya ng ‘get-well soon’ dahil sa nag-positive siya sa Covid-19. “Gosh, nagsilabasan lahat ng mga mahal ko sa buhay!” Pero huwag daw mag-alaala sa kanya ang mga friends niya at nag-post siya ng: “Guess why I posted this? Here I am isolated because […]